Maria Lizianna Dela Cruz Mas naging masaya ang aming relasyon ni Cai pagkatapos ng nangyari sa Villa. Akala ko ay maghihiwalay na kami dahil sa nahuli niya ako na naroon at narinig niya na binanggit ko pa ang pangalan ni Sancho. Wala naman akong intensyon na iba sa pagpunta doon maliban sa paglilinis ko sa Villa bilang huling kaya kong gawin at ang pagsauli sa mga regalo na sa tingin ko ay ang tama para na rin masigurado na hindi iyon makikita ni Cai sa aming apartment. Para hindi maging dahilan ng galit niya at hindi pagmulan ng aming away. Pero, hindi ko inaasahan na masusundan niya ako dahil tinrack niya pala ang lokasyon ko. But, it all turned out in a good way. Lalo pang naging matibay ang pagmamahalan namin, napansin ko nga na may mga nagbago sa kaniya. Kung clingy siya dati ay ng

