Maria Lizianna "Oh ano?! nasa Pilipinas ka na?!" Inayos ko ang aking bag habang hawak ang aking cellphone na nakatapat sa aking mukha. Pigil na pigil ko ang pagngiti nang marinig ang tanong ni Tita Gemini. Siya ang tumawag sa akin. Nagulat pa nga ako dahil naroon siya sa bahay na tinutuluyan ng mga tita sa Venice. Noon pala ay sinurprise visit nila ng Tita Lherma sina Tita Joi. Hmm, pero sa usapang surpresa. Ako rin naman ay may surpresa dahil hindi alam ng nanay at tatay o kahit ni Nico ang pagdating ko ngayon. Ang alam nila ay sa susunod na buwan pa talaga ang aking uwi. Walang nakakaalam maliban sa mga tita lamang. Nasasabik tuloy ako. Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon? "Nasaan na daw si Lili?" Ang Tita Morianne ang sumilip at sumunod na nagtanong. "Nandito na po ako sa Pi

