Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Nasisiraan na ata ako ng ulo dahil sa ginawa ng lalakeng iyon. Kasalanan niya ito. Walang ibang dapat sisihin kung hindi siya! Ginulo niya ang isipan ko dahil sa bwisit na punishment kuno niya! "Are you okay, Lili?" Nakasakay na kami ngayon sa bus at pauwi na. Nakakuyom ang aking mga kamay at kagat-kagat ako ang aking pang-ibabang labi habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko nilingon si Riss nang tanungin niya ako. Inis ako. Hindi ko lang matanggap na ang isang lalake na hindi ko pa nakikita ang mukha ay nakuha ang unang halik ko at ginugulo ang isipan ko ngayon dahil sa buwisit na parusa niya. At mas lalong hindi ko matanggap ang naging epekto non sa akin! bakit ko ba siya tinawag? Buwisit na halik na iyan! "Lili--" Marahas ako

