Sinabi sa akin ni Claden at Rixon na alas dose sila papasok ng bahay upang magpahinga. Nagprisinta naman ang kapatid ko na si Nico na sasamahan ang mga ito sa labas at makikipagkwentuhan muna. Sanay rin kasi sa puyatan iyong kapatid ko at hindi talaga nakakatulog ng maaga kaya hinayaan ko na. Hindi muna ako tumungo sa aking kwarto. Nagpunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape para sa kanilang tatlo. Pagkatapos ay saka ako nagpaalam sa dalawang bantay na tutungo na ako sa may silid ko para magpahinga.Ibinilin ko na rin ang mga ito kay Nico. “Ano ba ito…” napahilot ako sa aking noo. Kahit kasi kakagising ko lang ay nakakaramdam na naman akong muli ng antok siguro dahil sa pagkakaligo ko. Maligamgam kasi ang tubig at kaysarap sa balat. Habang naglalakad ako paakyat ay nasulyapan ko ang re

