Kaagad akong lumabas ng bahay. Mabilis akong naglakad palapit kina Claden at Rixon na mukhang hinihintay rin ako. "Si Terrance ba ay nasa Villa?" tanong ko sa kanila. "Po? opo, Ma'am, naroon po," sagot ni Rixon. Hindi ba nila alam na aalis ito para makipag-usap kay tatay? wala ba silang ideya? "Sigurado kayo? hindi siya aalis doon ngayon?" paninigurado ko. "Wala naman pong pupuntahan si boss, bakit po, ma'am?" si Claden na tumingin pa sa kasama. Umiling ako, sinabi ko kaagad sa kanila kung saan ko balak na pumunta. Hindi naman na ako nakarinig pa ng mga salita at sumakay nang kami sa cotse. "Si Claden po ang maiiwan na kasama ninyo doon sa manggahan, Ma'am Lizianna. Ako po ay tutungo sa may Villa De Costales para ipadala po ang mga pagkain. Naku, tiyak na matutuwa po si boss nito,"

