HINDI NAGTATAPOS sa masasayang pagkakataon ang lahat para sa relasyon nina Gethca at Thyrone, dahil simula pa lang iyon nang kahaharapin nilang pagsubok bilang magkarelasyon. Dahil ang unang beses ay hindi sapat para sa taong nais na mapasakaniya ang kaniyang ipinaglalaban. Ang pangalawang beses ay kulang pa rin upang punan ang kasabikang kaniyang tinatamasa at hindi pa rin kontento kahit pa sa pangatlong pagkakataon, lalo na't handa itong sumugal kahit pa kay kamatayan. Si Ivory Dela Fuente, sino ba naman mag-aakala na sa dinarami-rami ng lalaki sa mundo ay kay Thyrone Miller niya lang mararamdamang sumugal pagdating sa pag-ibig? Sa madaling salita ay kaya niyang pumatay o ang kahit makasakit pa alang-alang sa minamahal niya. Gaano na nga ba niya kakilala si Thyrone na kilala dati sa pa

