Chapter 49

1547 Words

HABANG MAHIMBING ang pagkakatulog ni Thyrone ay naghain na siya ng baked macaroni sa may lamesa at black coffee na paborito nito. Medyo ramdam pa rin niya ang kaunting hilo ngunit pinilit niyang sorpresahin ang nobyo bilang ganti sa pag-aalaga nito sa kaniya. Mag-a-alas tres na ng hapon kung kaya't sakto lamang ang oras para sa meryenda. Laman pa rin ng isip niya kung paano siya alagaan ni Thyrone, bagay na hindi niya inaasahan. At sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayan ang kamay na dumapo sa kaniyang balikat. "Magaling ka na?" Tila nanibago siya sa boses nito dahil sa isang iglap ay nasa harapan niya na ito gayong kanina'y nasa isipan niya lang. Dahan-dahan siyang napatango at kapagkuwa'y dumako ang tingin nito sa may lamesa. "Nakapaghain ka?" Saka ito kunot noo na tumingin sa kani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD