MATAPOS nilang magpunta sa school ay gutom ang inabot nila dahil sa halos maghapong pamamalagi roon. Kaya naman dinala ulit siya ni Thyrone sa isang prestihiyosong restaurant. Sa kanilang pagpasok ay ramdam niya ang kaba dahil mas elegante ang reataurant na ito kumpara no'ng una nilang pinuntahan. Aaminin niyang hindi talaga siya sanay sa mga ganitong kainan. Ang kahit paghawak ng kutsilyo na gagamitin sa pagkain ay tila naiilang siyang gamitin, sanay kasi siyang kubyertos at kutsara lamang ang magkaterno sa pagkain. "Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" anito na nagpalingon sa kaniya. "Ah.. eh-- p'wede ko bang hindi gamitin ang kutsilyo?" Nabigla siya sa mahinang pagtawa ng nobyo. "Don't you worry, hihiraman kita ng fork, bakit hindi ka kasi nagsabi na hindi ka komportable sa

