NAGING PANATAG na ang kanilang mga kalooban nang dahil sa nangyari. At makikita ang saya sa kanilang mga mata. Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Gethca ang patakbong kaibigan na si Devine na palapit sa direksyon nila. "Pasensya na at nahuli ako. Anong nangyari?" pambasag nitp ng katahimikan sa lahat. Subalit hindi na nakapagsalita si Gethca, sa halip ay sinalubong niya na lang ito ng yakap habang nakangiti lang silang pinagmamasdan ng tatlo na sina Thyrone, Johann at Celeen. "Mukhang alam ko ang mga ngiti na 'yan, panalo kayo sa kaso, 'no?" paniniguro nito pagkabitiw sa yakap. Dahan-dahan namang napatango ang tatlo habang hindi pa rin mapawi ang ngiti kay Gethca. Samantala'y nasa likuran nila masayang nakikipag-usap si Atty. Relleza kay Chief Executive na si Mr. Fereno. Nakita pa nila ito

