LINGID KAY Gethca na dumaan si Thyrone sa isang matinding pagsubok mula sa kamay ng mga tauhan ni Ivory. Malalakas na latay sa katawan ang sinapit niya dahil sa kaniyang paulit-ulit na pag-apila para masunod ang kagustuhan ni Ivory-- ang mapasakaniya si Thyrone. Batid ng mga ito na malakas ang sigaw niya na yumanig sa kabuuan ng bodegang iyon. Habang isa namang malakas na tawa ang pinakawala ni Ivory. At walang alinlangan nitong ipinagapang ang mahabang kuko sa kaniyang mukha kasabay ang pagsentro nito ng tingin sa mga mata niya habang sinasabi, "Mas gusto ko talaga ang nacha-challenge ako, Thyrone. Pero ano ba ang mas gusto mo, ang mapasigaw ka sa sakit o sa sarap? You only have two choices. Pero kung ako sa'yo ay doon ako sa alam kong magiging masaya ako," mapang-akit na anito. "Never

