Chapter 2

1819 Words
"Oh, Gethca? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Janna na isa sa receptionist ng kompanya. Napahinto siya sa ginagawa at agad na naisip na wala nga palang magsusundo sa kaniya kaya natigilan siya sa pagtitipa. "Kailangan ko 'tong tapusin," sagot niya habang nakatingin sa monitor ng laptop dahil mas nanaig pa rin ang kaniyang dedikasyon sa trabaho. At napabuntong-hininga naman ito sa kaniya. "Okay fine, may magsusundo ba sa'yo? Anong oras na, e. Quarter to eleven na." Napahinto siya sa kadahilanang walang magsusundo sa kaniya pero nagpatuloy pa rin siya. "I need to finish this." Nag-rolled eyes lang si Janna sa katigasan ng ulo niya. "Okay, ingat ka, later," tanging sagot ni Janna at binigyan niya naman ito ng isang matipid na ngiti. Inabot na ng dis-oras ng gabi si Gethca sa pagtatapos ng report na ipi-present niya bukas. Pahikab-hikab na siya sa antok pero hindi pa rin siya nagpatinag. Tanging siya na lang ang natira sa opisina nang umalis siya, maliban sa guard na nakabantay doon. "Good morning, ma'am," bati nito sa kaniya. "Umaga na?" gulat niyang tanong. Hindi kasi niya namalayan ang oras. "Yes, ma'am. Ala-una na po ng madaling araw. Pero.. okay lang 'yan, sulit ka naman po sa OT." Tila sumaludo pa ito sa kaniya at hindi na niya sinagot ang sinabi nito Nagmadali siyang pindutin ang elevator subalit napabuntong hininga siya nang malaman na sarado na ito. Naipadyak niya ang takong ng heels na suot-suot niya at alinsunod naman ang bantay na guard doon sa kaniya. "Pasensya na, ma'am, pero sarado na po talaga 'yan ng ganitong oras." "Okay.." Kaya no choice siya kundi ang babain ang hagdan mula fifth floor hanggang first floor. Samantala, malakas na busina ang sumalubong sa kaniya habang nag-aabang siya ng sasakyan. Balisa na siya sa pag-aabang ng masasakyan at naipangako sa sariling hindi na niya gugustuhing maulit ang pag-uwi ng ganitong oras. "What the--" Magmumura pa sana siya sa ingay nito pero natigilan siya nang lumantad sa harapan niya ang kaniyang boss. "Oh, bakit nagpapaabot ka ng ganitong oras ha? Hindi mo ba alam na delikado?" Napatingin siya sa paghawak nito nang mahigpit sa kaniyang braso. "I'm sorry, sir.. Tinapos ko lang--" "What the heck, Gethca! P'wede naman 'yon ipagpabukas." "E, sabi mo po kailangan mo na 'yon bukas, Sir--" Napailing si Thyrone sa kawalan. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Sagutin ko pa 'yon!" Napaawang ang bibig niya at hindi nakapagsalita. Hindi niya first time na makita ang ganitong reaksyon ng kaniyang boss pero sa tingin niya ay mas doble pa ang init ng ulo nito. Napabitaw ito mula sa pagkakahawak sa kaniya at nagtungo sa unahan ng kotse. Binuksan ang pinto at pumasok doon subalit hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin nito. Binuksan ang sliding window at sinabing, "Sumakay ka na, Gethca, ihahatid kita." Halos hindi siya makapaniwala na ang boses nito ay naging kalmado kaya walang alinlangang sumakay siya sa back seat. "Bakit nandiyan ka? You may sit beside me," anito at animo'y nagliparan na naman ang paru-paro sa kaniyang tiyan. This guy gives her an odd feeling. Napasinghap siya bago lumipat sa harapan. "Mabuti na lang at tumambay na muna ako sa coffee shop at na-received ko ang text ni Janna," anito. Napabuntong-hininga pa ito at hinarap siya. "Gethca, don't ever do it again. You don't have to extend your time just to finish it. Well, kasalanan ko naman kung bakit mo iyon ginawa, so I'm really sorry for that.." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito kasabay ang dahan-dahang pagtango. Tila hindi makapaniwala na magso-sorry ito sa harap niya. Doon niya lang na-realize na mali pala ang first impression niya rito na masungit ito. "Saan ka ba nakatira?" pag-iiba nito ng usapan. "Sa kabilang street lang, sir. Sa malapit na apartment." Walang anu-ano'y pinaandar na nito ang kotse. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pero nagpapasalamat siya dahil sa pagliligtas nito sa kaniya sa kung ano man na p'wedeng mangyari. "Oh, dito ka pala," anito pagkatapos maihinto ang kotse. "Yes po. Salamat sa paghatid, sir." Thyrone chuckled for the first time. Bumaba na siya ng kotse at umalis na rin agad ito pero natigilan siya nang makitang may nakaparadang kotse sa tapat ng apartment niya. At hindi niya inaasahan ang paglabas ni Lei sa kotse, dahil siguro sa antok ay hindi na niya nakilala pa ang kotse nito. "What are you doing here, Lei? I wanna take a rest." "So ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Sa tingin mo matutuwa ako na makitang pumapayag kang magpahatid sa iba?" Napailing siya, hindi ito ang tamang oras para makipagtalo pa. "Lei, please. Inaantok na ako. Huwag mo pang hintayin na pagsarahan kita ng gate." Akmang papalapit na siya sa gate nang napailing ito at nakipag-unahan sa kaniyang makarating doon. Lei acted like as her boyfriend. At hindi niya iyon nagugustuhan. Napailing siya at tinahak ang gate dahil bibigay na talaga ang katawan niya. Wala siyang oras makipagtalo sa binata lalo na sa ibinibintang nito. "Gethca, mag-usap tayo please--" Pero nagawa na niya itong pagsarahan. Dali-dali niyang tinungo ang kuwarto at nagisnan na mahimbing na natutulog ang kaibigan. Marahil ay nag-alala ito sa kaniya at nang buksan niya ang kaniyang phone ay tadtad ito ng text at tawag mula kay Devine, ang iba nama'y kay Lei. At mas kumunot pa ang noo niya nang may makitang isang unknown number. - Hindi akalain ni Thyrone na muli niyang makikita ang high school classmate na si Gethca. Marahil ay nakalimutan na siya nito dahil ilang taon na rin ang lumipas. Natatandaan pa niya kung gaano ito patay na patay sa kaniya. Flashback.. Magkaklase noon sina Thyrone at Gethca, dahil sa angking ka-gwapuhan niya ay halos lahat ng babae ay nagkakagusto sa kaniya, kahit ang ilang mga Juniors at Seniors. Nasa Sophomore pa lang kasi siya nang mag-umpisang sumali sa mga Pageant ng school bilang escort. "Go, Tyler! Go, Tyler!" sigaw ng kababaihan. Isa na doon si Gethca na talagang patay na patay sa binata. Kitang-kita ang kislap sa mga mata nito nang makitang rumarampa ang binata, pero may halong lungkot dahil kahit kailan ay imposibleng magustuhan siya nito. "Tyler, pumayag ka na kasi na kuhanan ko kayo ng picture ni Gethca," sabi ng kaibigan ni Gethca na si Devine. Halos mandiri siya kay Gethca kaya nasabi niya na ang nais niyang sabihin para rito. "Kailan niyo ba ako titigilan dalawa ha? Unang-una hindi ko gusto ang kaibigan mo! At kahit kailan, hindi ko siya magugustuhan!" Napaiyak noon si Gethca sa mga narinig.. na imposibleng magkagusto ito sa kaniya, dahil 'di hamak naman na mas marami pang magagandang babae sa kaniya noon. End of flashback.. Napailing na lang siya sa kaniyang alaala. Ngayon ay hindi na siya makikilala nito. Bagama't nagbago na ang kaniyang pangangatawan at nag-matured na rin ang kaniyang itsura ay malabo talagang akalain siya nitong siya si Tyler Singson noon. Dahil nagtatago siya sa pangalang Thyrone Miller, ngayon. Nagawa niyang palitan ang kaniyang pangalan para kalimutan ang nakaraan, para ituwid ang pagkakamali sa isang taong labis niyang sinaktan. At ngayong nagkita na silang muli, hindi niya hahayaan na malaman nito ang katotohanan, na siya si Tyler Singson na noon ay kinababaliwan nito. Gusto niyang bumawi sa dalaga, sa paraang bagong katauhan, bagong pangalan at bagong alaala. Kaya hangga't kaya niyang magpanggap ay gagawin niya, dahil ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan. Kanina pa siya nakatutok sa screen. Hinihintay ang pagsagot nito sa text niya. Matapos niya itong ihatid kanina ay tila napanatag ang kalooban niya, mabuti na lamang at sinabi sa kaniya ni Janna at nagawa nitong ibigay ang numero ni Gethca sa kaniya upang kontakin kung sakali. Nagdadalawang isip ma'y nagawa niya itong i-text kahit pa takot siyang mapalapit ang loob dito at kahit pa ang plano lang niya'y bumawi rito. Sa katunayan, siya ang nakiusap sa HR na ipasok kaagad sa trabaho si Gethca nang makita niya ang resume nito sa mga applicants at sinadya niyang gawin itong maging secretary niya. Kinabukasan. Masaya niyang tinahak ang daan papuntang opisina. Hindi niya akalaing magagawa niyang ngumiti ulit makalipas ang ilang taon. Subalit, hindi pa man siya nakakalayo ay natigilan siya sa isang pamilyar na boses. "Nice to see you again, Thyrone." Napatigil siya sa paglalakad at nang lingunin niya ito ay malapad na ang ngiti nito. Napangiti siya nang makilalang isa ito sa higit pang nakakakilala sa sarili niya, ang kaniyang best friend na si Johann. "How's your company, Thyrone?" "Doing good. It's because, magaling ang bago kong secretary," tila pagyayabang niya. "And who is she? If I may ask?" Napataas ang kilay niya at napagpasyahan na magpatuloy muli sa paglalakad. "Its none of your business, Johann," wika niya. Pero agad din siyang pinigilan nito at binigyan siya ng isang nakakalokong tingin. "Thyrone, may kumakalat na rumor.." Lumapit ito sa kaniya at tinitigan siya sa mata. "Na ang dati mong itinataboy ay siyang secretary mo." "Fvck! Where the hell are you--" "You know me, Tyler, daig ko pa si detective conan kapag nagpaimbestiga." Binigyan siya nito ng tila nagbabantang tingin at napalunok siya nang tawagin siya nito sa totoo niyang pangalan. "Hindi mo ba naisip na maaari mo 'yang ikapahamak, Tyler?" Napakuyom ang palad niya at halata ang pagkadismaya sa matalik na kaibigan. "Huwag mo kong pangunahan, Johann. Alam ko kung anong ginagawa ko," tiim-bagang sabi niya. "Remember, Thyrone, let me tell you frankly, maganda na siya ngayon. Take note, magandang-maganda at sexy. Do you think hindi malabong mahulog ka sa kaniya?" Napabuntong hininga si Thyrone. Lingid sa kaalaman nito ang kaniyang tunay na nararamdaman sa dalaga dahil malakas ang paninindigan niya sa sarili na ang plano niya lang ay ang matulungan ito at hindi na lalampas pa ron. "I'm warning you, Thyrone. I'm warning you. Be careful. We'll see kung anong magiging resulta nang pinasok mo," dagdag pa nito. Pero napailing lang siya nang tumalikod na ito. Agad siyang naglakad muli at pilit kinalimutan ang sinabi ng kaibigan at humarap sa lahat na tila walang itinatago. Pagkapasok niya sa opisina ay halos matigilan siya nang maabutan na nakatalikod si Gethca, kitang-kita ang hubog ng katawan nito sa suot nitong fitted na dress. Kay tagal na rin ng panahon magmula nang sabihan niya ito ng masasakit na salita. Sandali siyang napapikit sa isipin na iyon at at napamulat agad nang marinig ang boses nito. "Sir Thyrone? Kanina pa po kayo nandiyan?" tanong nito na hindi man lang namalayan ang kaniyang pagdating. Saglit siyang ngumiti at nagtungo sa upuan. Itinago ang paghanga na naramdaman, ayaw niyang mapalapit dito, kagaya ng umpisang magpakilala ito sa kaniya ay nais niyang ganoon lang ang treatment niya rito. Gayunpaman ay gusto niyang kalimutan ang ginawa niya ritong kabutihan kagabi. Dahil naguguluhan siya kung ano ang susundin, ang payo ng kaibigan o pagsadya ng kapalaran? "Are you ready for your report later?" bungad niya na nagpakaba sa dalaga. "Y-yes, sir. I'm ready," kaswal na sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD