NAKAKUNOT PA rin ang noo ni Thyrone nang makarating siya sa kaniyang office, pero sakto namang nadatnan niyang busy si Gethca sa trabaho nito. Laman pa rin ng kaniyang isipan ang biglaang pagnakaw ng halik sa kaniya ni Ivory kung kaya't hindi sinasadyang mahampas niya ang lamesa na naging sanhi nang pagkagulat ng dalaga.
"Fvck! Fvck! Fvck!" mura niya sa sarili.
"Sir ano pong--"
"Get out!"
"Pero, Sir--"
"I said, get out!!" Napaatras si Gethca sa gulat at nagawang dalhin na lang ang laptop sa labas.
Nagtataka man si Gethca sa ibinungad ni Thyrone sa kaniya ay hindi na siya nagpumilit pang manatili sa loob ng office.
"Anong nangyayari kay Sir Thyrone? Mukhang bad mood?" pagbungad sa kaniya ni Elaine habang halos hindi siya makapagsalita sa kabang nararamdaman.
"Naku, I guess nag-away na naman sila ni Ma'am Ivory," singit naman ni Jojie na ikinakunot ng noo niya.
"Teka, sino nga pala 'yung Ivory na 'yon? Bakit ganoon na lang siya magalit sa mga bagong empleyadong katulad ko?" giit niya. Nakita pa niyang nag-rolled eyes ang baklang si Jojie at tila bumulong na tanging silang tatlo lamang nila Elaine ang makaririnig.
"Sino? Siya lang naman 'yung soon-to-be wife-- sana.. ni Sir Thyrone. Dah! Napakasuplada kasi kaya ayon, naghiwalay sila," k'wento ni Jojie at saka nagpipigil sa pagtawa ang dalawa. Habang siya ay pilit na nagsisink-in sa utak ang mga sinabi ng ka-work mate niya. "O, siya, baka makita pa tayo ni sir. Mahirap amuhin 'yon kapag bad mood," nakangising sabi pa ni Jojie. Kaya naman nagpatuloy na rin siya sa ginagawa.
Natapos ang buong araw na tila walang naging bago sa kaniyang bagong nature sa trabaho. Bagama't nakasanayan na niyang madatnan ang kaibigang si Devine na nauunang makauwi sa kaniya ay hindi talaga siya pumapalyang silipin ito sa k'warto. Just to make sure that everything is okay.
"Dev?" tawag niya rito pero nagtaka siya dahil walang sumasagot mula sa k'warto. Kaya naman walang paalam niyang inikot ang door knob ng pinto ng k'warto ngunit mas nagtaka siya nang mapuna na naka-lock ito.
At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakarinig siya ng boses na nakapagkunot ng noo niya. Kapagkuwan ay mas pinakinggan pa niya nang maigi ang narinig. Halos matutop niya ang sariling bibig dahil sa katototahanang-- may kasamang lalaki ang kaibigan niya sa k'warto.. at may ginagawang milagro!
"s**t!" tanging bulong niya sa sarili.
Nagkunwari pa siyang walang narinig at magpapatay malisya na lang sana. Subalit nang magpunta siya sa may salas ay halos manlaki ang mata niya sa nakita. Dahil hindi lang basta estrangherong lalaki ang kasiping ng kaibigan niya kundi-- kilalang-kilalang niya!
Napapikit siya sa inis habang hawak-hawak ang cellphone na naiwan nito sa may center table.
At habang nanlilisik ang kaniyang mga mata sa inis ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ito ni Devine sa kaniya. Hindi niya lubusang matanggap na si Lei ang lalaking kasama nito sa k'warto kung kaya't napakuyom niya ang kamao at nagpasyang magpahangin sa labas. Nilasap ang preskong hangin kahit gabi na at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita niya na lang ang sarili na umiiyak habang naglalakad palabas ng village.
Walang anu-ano'y tinahak niya ang daan palabas. Basang-basa na ang mga mata niya at nanlalabo na rin ito. Nag-iisip kung anong gagawin niya sa natuklasan.
Umiwas? Magkunwari?
Hanggang sa may malakas na busina na tumunog mismo malapit sa kinaroroonan niya. Sa labis na pag-iyak ay hindi niya namalayan ang presensya nito. Doo'y unti-unti siyang napaluhod sa pag-iyak, at sa kabila nang panlalabo ng paningin niya ay nanlalabo na rin ang kaniyang pandinig.
"Gethca! What's wrong?!" Napalingon siya sa boses na iyon at mabilis siyang inalalayan nitong mapatayo kung kaya't hindi niya maiwasang mapasubsob sa matipunong dibdib nito. Ilang segundo lang ang lumipas ay narinig niyang muli ang tinig nito, "Why are you here? And why are you crying?" Subalit nagpatuloy siya sa pag-iyak. Bagay na lalong nagpapakirot sa dibdib ni Thyrone. Ayaw kasi nitong nakikita siyang umiiyak.. And just like of what happened before, Thyrone was the reason of her tears yesterday.
At kung ano man ang dahilan nang pag-iyak ni Gethca ngayon ay tila nag-uudyok kay Thyrone na patahanin ito.
Kaya naman walang anu-ano'y isinakay niya sa kotse ang dalaga.
"Damn it, Gethca! Mabuti na lang at ako ang nakakita sa'yo!" mariing pagkakasabi niya bagama't tulala pa rin ito kaya napailing na lang siya. Matapos niyang patuluyin sa sariling condo ang dalaga ay nagawa pa niyang pagsilbihan ito. "Uminom ka na muna ng tubig." Inabot niya rito ang tubig na nasa glassware.
"Salamat," sagot ni Gethca na mukhang naging kalmado na matapos nitong umiyak.
Pinagmasdan pa ni Gethca ang kabuuan ng condo at hindi niya maiwasang mapangiti dahil nakikita na naman niya ang good side ni Thyrone at hindi ang bad side nito. She really loves the way he treat her like this.
"Ano ba kasi ang nangyari at kailangan mong maglakad mag-isa sa ganoong lugar? Nababaliw ka na ba, Gethca?" galit ang tono niyon pero pinipilit maging kalmado.
Tumingin siya sa mga mata ng boss niya at nagkaroon ng pagkakataon na magtama ang kanilang mata.
"Kapag sinabi ko ba sa'yo.. makikinig ka?" Napaawang ang bibig ni Thyrone pero kalauna'y dahan-dahan napatango.
"Ano ba sa tingin mo?" balik tanong nito sa kaniya.
Napabuntong hininga siya bago magsalita. "I can't believe na matutuklasan ko 'yon," panimula niya at saka pilit na pinigilan ang luhang nagbabadya na namang pumatak. Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang naghihintay naman ito sa susunod na sasabihin niya, "My suitor and my best friend are in a f*****g relationship." Napaisip si Thyrone at pilit inulit-ulit sa utak nito ang narinig. At agad naman nitong naaala ang p*******t na nagawa nito noon kay Gethca. He realized na ganito pala kasakit kay Gethca ang ginawa niya noon rito and she doesn't know everything about it. "Akala ko ay seryoso siya sa panliligaw sa akin ng halos dalawang taon." Gethca chuckled. "I never thought na halos lahat ng lalaking nakikilala ko ay sinasaktan ako." Parang binuhusan si Thyrone ng malamig na tubig sa sinabi ng dalaga. Saktong-sakto sa kaniya ang mga huling salitang sinabi nito.
Kaya sa hindi sinasadyang pangyayari ay nakita niya na lang ang sarili na yakap-yakap na ang dalaga habang hinahagod-hagod ang likuran nito at ewan niya ba kung bakit parang nagugustuhan niya iyon.
"Gethca, I want you to know na hindi lahat ng lalaki ay laging sasaktan ka, maaaring sinaktan ka nga nila pero handa naman silang itama ang pagkakamaling iyon," sabi niya sa gitna ng yakap na iyon. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang mga salitang iyon pero alam niyang iyon ang nais niyang ipaintindi sa dalaga.
Subalit, nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ivory. Thyrone just took a deep breath. Doon niya lang napagtanto na hindi niya nga pala nai-lock ang pinto ng condo. He was like moving back from his past after hurting these two girls before. Ang pinagkaiba lang ay mabuti na ang kaniyang intensyon ngayon kay Gethca kumpara noon. Habang wala naman siyang balak na muling papasukin si Ivory sa kaniyang buhay.
Itutuloy..