Kinagabihan, nakatanggap ako ng text mula sa lalaki na nakarating na ito sa Manila kaya napahinga ako ng malalim. I can't sleep so I keep on texting him.
"Anong ginagawa mo ngayon?"
From Love:
I just finished taking a bath.
"Miss na kita. Can we do facetime? I wanna see you."
I was biting my lips while waiting for his reply. Am I clingy? Well, gusto ko lang naman malaman kung anong ginagawa niya. Bakit kasi agad agad silang umalis. They could have left tommorrow. Makakasabay ko pa sana siya sa pagtulog.
I was startled when my phone suddenly rang and Kaius face flash into the screen. Mabilis na sinagot ko iyon at inayos ang camera para makita ng maayos ang mukha ko. Magulo ang camera nito nung una tila naghahanap ito ng mapapatungan pero ng umayos ay napasinghap ako. In the video, I only saw his naked upperbody, nakapajama ito na pinagpasalamat ko ng konti. Nakalantad sa akin ngayon ang abs niya, at ang konting v-line. Hindi ko napigilan ang sarili, napalunok ako. Ganito dapat lagi ang bungad pag magvi-video call kami. Nakatayo ito at hindi ko alam kung anong ginagawa pero nung yumuko ito at sumilip sa camera ay nakita kong hawak niya sa isang kamay ang blower. I think he was drying his wet hair.
He smirked when he saw me ogling with his body.
"Love what you're seeing?" he teased.
"Oo. Pero ang bastos mo naman!"
Tinaasan niya ako ng kilay. Ibinaba niya ang blower at kinuha ang phone. Now I am seeing just his handsome face. Medyo nanghinayang ako.
"Bastos?"
Humiga ako sa kama namin at niyakap ang binili niyang hotdog.
"Oo. Ang bastos mo, bakit mo pa tinakpan?"
His lips pursed and looked amused hearing what I said. "You're naughty."
Humagikgik ako at ramdam ang pag-iinit ng pisngi.
Nakita kong umupo siya sa kama at sumandal sa headrest.
"It's late. Bakit hindi ka pa natutulog? Papasok ka pa bukas diba."
"Oo. Pero masyadong malaki ang kama para sa akin. May use na nga talaga itong binili mong unan. Next time ididikit ko na mukha mo dito para masaya."
Napailing ito pero nangingiti naman. Naalala ko nung gabing ginamit ko yung unan. Nung magising ako nasa baba na siya ng kama. Habang si Kaius naman ang kayakap ko.
"Bakit kasi gabi kayo umalis? Sana bukas na lang. Nakasama pa sana kita sa pagtulog ngayon."
"I chose to left early para mas maaga kaming makahanap ng materyales at makabalik agad kami ng may araw pa."
"Saan nga pala kayo nag-iistay? Your place doesn't look like you are staying at a hotel room."
"We have our family house here in Manila too. Some of my cousins were living here kaya anytime may matitirahan kami dito."
Now I am starting to feel sleepy watching and hearing his voice.
"...you should sleep now. You look tired."
"Umuwi ka agad. Hindi ako sanay ng wala ka dito."
There were silenced between us for a seconds. He's just watching me. Pansin ko lately ganito siya makatitig. He is melting me by just staring.
"Stop giving me that look. Iisipin ko pareho na tayo ng nararamdaman." panunubok ko.
"Hmm, what if you're right?"
Napakurap ako.
"Huh?"
He suddenly moved. Sinuklay nito pataas ang buhok at hirap na pumikit.
"Nothing. Let us just sleep, Thea. It's late."
Napanguso ako.
"Okay." I sleepily said and hugged the pillow.
I woke up late kaya nagmamadali akong gumalaw pero hindi ko nakalimutan na icheck kung may mensahe ang lalaki. And I was right, there's one. Just his simple goodmorning and a reminder to not forget to eat breakfast with that, it completed my day. Tuwing umaga kasi, siya talaga ang nauuna sa aming dalawa na magising. Siya ang nakatukang gumising sa akin araw-araw. He's an early bird so might as well do his part.
Good thing nandoon na agad ang sundo na pinahanda ni Kaius kahapon. My man was responsible enough to get someone to drive me to work.
"Mabuti naman, nandito ka na."
Nagtaka ako ng abutan ako ni Ica ng mga mga photocopies. Medyo mainit pa iyon at mukhang kakagaling lang sa photocopier.
"Ano to?"
"Mr. Perez called for a meeting. He asked you to photocopy that but you're late so ako na lang ang gumawa. Nag-aantay na sila sa loob."
"Omg, thank you."
Ica flipped her hair. "Ako pa. Kelangan mo akong ilibre mamaya. I saved you from scolding.”
“Oo na.”
“Bilisan mo na nga diyan."
“Yes ma'am.”
Nagmamadaling pinatong ko ang gamit sa mesa ko at sumunod sa kaibigan. Nagkasabay pa kami ni Mr. Perez sa pagpasok sa meeting room. I greet him and let him enter first.
"Kindly distribute the papers Thea."
Tumalima ako at umikot para bigyan isa-isa ang mga kasamahan ko. Heto talaga yung gusto ko kaya ayokong mag-intern sa kompanya ni Papa. I want to experience the work. Ayoko yung lilimitahan yung kailangn kong gawin dahil anak ako ng may-ari. I wanna start at the bottom.
"So as you can see, isinama ko na ang mga intern para sa meeting na ito dahil gusto ko mas maraming idea ang maipresent this time. What you are holding right now was the characteristics of the ads that we will be releasing this month. You all are aware that we'll be releasing a new product right?" we all nodded.
"Medyo hindi maganda ang natanggap nating opinion mula sa labas tungkol sa huli nating ads na ginawa. At dahil doon hindi tayo pumasok sa top 3 man lang. That is why, I want you all to think of a great and unique concept to feature our next product. I don't wanna be disappointed again so I will let you present it one by one and by that, I will choose which I think is better."
Bumalik ako sa upuan ko ng matapos.
"You know I don't care about the cost. Just present it at ang kompanya na ang bahala sa iba. If the interns will get my approval, gagawin ko kayong regular sa kompanya or we could talk things out kung wala kayong plano magtrabaho dito. Kung ang mga senior naman ang nakakuha, I will promote you."
Nagtinginan ang lahat sa isa't isa dahil sa magandang offer ni Mr. Perez.
"Grabe, halatang go na go ang lahat." ani ni Rhea ng matapos ang meeting nila.
"The offer was nice. It will really benefit us." komento naman ni Bryan.
Sumang-ayon naman sila. Oo nga.
"I need to start thinking of a unique concept. Hmm, ano kayang maganda."
"Gosh! Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko."
"Ilang araw nga yung binigay na palugit?"
"Four days. Bali sa Friday na ipe-present agad."
Umupo ako sa mesa ko at hinanap ang phone sa bag. Magdadalawang oras din ata sila sa loob kanina dahil may iba ding pinag-usapan. I forgot to bring it with me. I excitedly open my phone because I thought there was a reply coming from Kaius. Pero bumagsak ang balikat ko ng makitang wala ni isa doon. I tried calling him but he is not answering his phone. Ring lang iyon ng ring.
Nagsalubong ang kilay ko. "Was he that busy?"
—
I feel so tired and drained when I arrived at home. Hindi pa rin nagre-reply si Kaius sa akin mula kahapon. I literally have no idea what is he doing and why can't he answer my call and text back. I'm starting to get pissed.
Ang sabi niya isang araw lang siya pero mag-dadalawang araw na ay hindi parin siya nakabalik. And when I asked Mona about the distillery, sabi niya ay napalitan na daw ang sirang machine dahil kahapon pa dumating ang bago dala ng mga kasama ni Kaius kahapo sa pagpunta ng Manila. Balik production na ulit ang distillery.
Hindi ko na alam ang iisipin ko. The materials was already there but the person who bought it were not. He was nowhere to be found. Hindi ko alam kung itatawag ko na ba siya sa police kasi hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.
"Thank you, manong." kahit na wala sa mood ay nagpasalamat parin ako sa lalaki.
Bumuntung-hininga ako at naglakad papasok ng bahay pero natigilan ako ng makita ang pamilyar na kotseng nakaparada sa isang tabi. Tila nabuhayan ako ng loob.
"He's here?"
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap ang lalaki.
"Love?" I called.
I was all smiles and excited to see him. Wala akong naabutan sa sala pero may naririnig akong ingay sa kusina. I can even smell the food from here.
"Hey! Hindi ka man lang nagsabing naka-uwi... ka na."
My words hang when I saw unfamiliar faces in the kitchen. Unang nakapansin sa akin si Mona na nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko at kinakausap ang isang batang lalaki na ngayon ay abala sa pagkain. His fluffy cheeks were red and I can say that he is cute and handsome. Nasa two to three years old siguro ito.
"Thea..." matapos banggitin ni Mona ang pangalan ko ay sumulyap ito sa dalawang taong aliw na aliw na nagluluto ngayon sa harap ng kalan.
My brows furrowed when I saw Kaius exchanging glances and smiles with the pretty woman.
"What?" tawa nung babae.
"You don't need to watch. I know how to cook. I won't poison you."
"Nanonood lang ako! I am not saying anything! Ikaw talaga." she then punched Kaius arms.
Unti-unting nawala ang ngiti ko. I don't like this scene, it smells fishy.
Sino ba tong babaeng to?
Mabilis na pinasadahan ko siya ng tingin. She's petite but tall nasa 5'8 ang taas. Tipong pangmodelo ang katawan. She's wearing a high waist jeans that helps emphasizing her curves. She has a smile na pwedeng pwede pang-commercial. Alam mo yun? Ngiting plastic. Sino ba tong pesteng to na nakapasok sa bahay namin?
Now I am starting to get iritated. Aren't they seeing or feeling my presence?
"Seniorito..."
Mona's voice were a little bit nervous. Napansin siguro nito ang masama kong tingin.
"Tapos na ba siyang kumain,
Mona?" baling nung babae kay Mona.
Umiling naman ang huli.
"What's wrong?" this time it was Kaius who asked.
Ano to, naglalaro sila ng bahay bahayan?
I can't take it anymore. I entered the kitchen with a fake smile flastered into my face. I made sure that my heels made a noise while walking. This time, napatingin na sa akin ang dalawa. Bahagyang bumuka ang bibig ni Kaius ng makita ako doon.
"Thea,” he called.
"Hi! I guess you're too busy chatting with each other to even notice me standing here." matamis na nginitian ko ang babae bago dumako ang tingin kay Kaius. "So what's up? Anong meron dito? Sino sila, love? Hmm?" I asked while directly raising my eyebrows.
"I'm sorry. Kanina ka pa ba?" lumapit si Kaius sa akin at hinawakan ako sa bewang.
Yumuko ito at kinintalan ako ng halik sa pisngi. Hindi ako kinilig. I'm too tired to feel that right now.
"Hindi naman." I flatly said.
Sakto lang na makita ko kung paano mo siya ngitian. Gusto kong sabihin.
"So sino sila?"
Mula sa pagiging seryoso, pilit na ngumiti sa akin ang babae at humakbang palapit.
"Hi. You must be Thea." she extended her hands infront of me. "I'm Aliana, and this is my son Echo." pagpapakilala nito.
Tuluyang natunaw ang ngiti ko at para akong pinukpok sa ulo ng marinig ang sinabi niya.
Aliana?
Am I hearing it right?
Aliana as in Aliana na ex ni Kaius?
I scoffed and look at her with disbelief. I bite my inner cheek to stop my self from saying anything. Tiningala ko si Kaius na ngayon ay naaaliw na pinapanood si Echo.
"Kaius."
"Hmm?" sagot nito ng hindi inaalis ang tingin sa bata.
"Can we talk for a minute?"
Sinigurado kong seryoso at malamig ang pagkakasabi ko nun. Gusto kong malaman niyang hindi ko gusto tong nangyayari ngayon.
But his eyes were not taking off from the child.
“Nakikinig ka ba?!”
Pati ang bata ay nagulat sa biglaang pagtaas ng boses ko.
Kaius look at me confused because of my sudden ouburst. I just glared at him and walk out of the kitchen. Ni hindi ako nag-abalang tanggapin ang nag-aantay paring kamay ni Aliana.
Bakit ko naman rurumihan ang kamay ko, aber.