YOU'LL BE SAFE NOW

1593 Words
Tatlo ang hotel na iniwan ni Warren Mendez sa kaniyang anak na si Mikayla, at dahil nga wala pa sa wastong gulang si MIKAYLa ay nakasaad sa last will and testament ng yumaong si Warren kung sino ang executor na kaniyang pinagkatiwalaan na mangasiwa at tagapagganap ng kaniyang mga naiwan-- na assets at property. "Good morning everyone, I would like to introduce Mr. Liam Perez Mendoza, the appointed executor of the late Warren Mendez estate." Attorney Joebert Abibas paused. Sinulyapan ni Liam ang iba't ibang reaksyon ng mga empleyado. Mayroong curious, mayroong nagbulong- bulongan dahil sa curiosity. Mayroon namang umismid. Nangunguna na ang pamilya ni MIKAYLa sa pagka-disgusto. "Please join me in welcoming Mr Liam Perez Mendoza who will be overseeing the affairs of our hotel following Mr Warren's passing." pagkatapos ng magpirmahan nina Attorney Joebert Abibas at ni Liam Perez Mendoza ukol sa adoption ni MIKAYLa Mendez, ay dumiretso na sila sa Hotel. Tumayo si Liam na nasa gilid ng Attorney at nagsalita sa gitna ng podium. "Magandang umaga sa inyong lahat. Ang pagkakataong ito ay malaking karangalan para sa akin bilang ang itinalagang executor ng yumaong Mr Warren Mendez at ang mga ari-arian na iniwan Niya sa kaniyang kaisa-isang anak at ang pera para sa kaniyang naiwang pamilya. "Una sa lahat, nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kawani at mga kaibigan ng ni Mr. Warren Mendez ang aking matalik na Kaibigan. "Ang pagpanaw nila ay nag-iwan ng malaking pagkakabakante, at natutungo natin ang pagkawala ng isang bising lider at mahusay na miyembro ng ating pamayanan. Nangako akong itataguyod ang kanilang pamana at magiging daan sa isang maayos na paglipat. "Sa pagpapatuloy natin, maging sigurado kayo na ang aking pangunahing layunin ay mapanatili ang mga kahanga-hangang pamantayan at tradisyon na itinatag ng Paradise Hotel. "Makikipagtulungan ako ng malapit sa pamamahala ng hotel at mga kawani upang matiyak ang pagpapatuloy at katatagan. Ang aking pagtuunan ng pansin ay sa pagpapanatili ng integridad ng hotel, suporta sa mga mahal na bisita at empleyado, at pagharap sa hinaharap nang may karunungan at pagmamalasakit. "Tinatanggap ko ang inyong kooperasyon, patnubay at suporta sa panahong ito ng paglipat. Kapisan natin, gagawin natin ang lahat upang parangalan ang alaala ng yumaong si Mr Warren Mendez at ang Paradise Hotel at magtayo ng isang mas magandang hinaharap. Salamat." Isang masigabong palakpakan ang narinig ni Liam. Nagsimula ng magtanong ang mga empleyado ukol sa pagbabago ng posisyon ng mga pangunahing nangunguna sa hotel. Sinagot ni Mr Liam Perez Mendoza ang lahat ng mga katanungan at namangha naman ang mga empleyado ng tatlong branches ng hotel. Isa sa Cebu City, Bohol Philippines at Isa sa Samar Island. Pareho itong pinangasiwaan mi Mr Warren Mendez noong siya ay nabubuhay pa. Marami ang natuwa sa panukala ni Liam Mendoza. Halos lahat ng empleyado ay natutuwa dahil sa kaniyang magandang Adhikain na pabor sa mga maliit na empleyado, ngunit sa paraan na hindi naman malulugi ang kumpanya. Tanging ang kambal na sina Zandra at Zandro ang hindi natutuwa. "Mr. Liam.." kinalabit ni MIKAYLa ang bisig ni Liam ng makita Niya itong nakatitig sa family portrait ng pamilya. Sa likod ng desk ng yumaong General Manager, nakakabit sa dingding ang Isang portrait na puno ng buhay at tagumpay. Ngayon, iisang buhay na lamang ang makikita sa portrait. "Mikayla..." bumalik sa realidad si Liam ng tawagan ng pansin ang kaniyang inaanak. " Kanina ka pa riyan?" hindi Niya namalayan na pumasok ito ng opisina. "Are we done here?" tanong ni MIKAYLa kay Liam, bagama't ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa portrait. Hindi nakaiwas Kay Liam ang pangungulila ni Mikayla sa kaniyang mga magulang. Makikita sa kaniyang mga mata ang laman ng kaniyang damdamin. "Uhm, yeah.." bumalik si Liam sa desk ni Warren at kinuha ang Isang folder. " I only have to e-mail some of the slight changes.. and off we go." Nang makita ni Mikayla na may ginagawa pa si Liam sa computer ay naupo na rin ito sa harapan ng ninong. "Paminsan -minsan, dumadalaw ako rito kasama ni Mommy. Alam mo bang ang mga nakausap ko na mga empleyado rito ay puro positive ang sinasabi tungkol Kay daddy?" nakangiting sabi ni MIKAYLa. Subalit, ipinagkanulo naman siya ng kaniyang mga mata, dahil nababalot sa lungkot ang makikita mo sa kaniyang mga mata, dagdag pa ang malungkot na ekpresyon ng kaniyang mukha. Mula sa computer screen ay nag-angat ng tingin si Liam at pinakinggan ang sinasabi ng inaanak. "Hey, I'm sure... gusto pa rin ng mga magulang mo, particular na ang daddy mo na dito ka makaupo sa desk na ito. Pagdating ng panahon, kapag nasa wastong gulang ka na, sa iyo lahat ng mga assets na pansamantalang pinangasiwaan ko ngayon Mikayla. Kaya, please... cheer up, you're stronger than you think--" Naputol ang sasabihin ni Liam ng makita niyang dumaloy ang luha sa kaniyang mga mata. "I'm not sure, Mr Liam .. I'm not sure kung hanggang saan ang tapang ko." impit na humikbi ang kaniyang inaanak. "This is the first day na hindi ko na makikita sina Papa at Mama, ito na ang simulang araw na wala na nga sila sa aking tabi. Hindi ko na mayayakap, hindi ko na maririnig ang mga salita nila, iyong mga katagang "I love you, Mikay--" tumigil sa pagsasalita si Mikayla dahil sa kaniyang paghikbi. Pinahid rin Niya ang kaniyang luha. Nataranta naman si Liam. Hindi siya mapakali ng tuluyan ng nagdamdam si Mikayla at nagsabi na ng Kaniyang saloobin. " Noong nasa kabaong. pa sina Mama at Papa, akala ko ay makakaya ko lang na wala na sila . Akala ko ay matatanggap ko ang kanilang kamatayan. Pero, ngayon ko nadarama ang sakit ng kanilang pagkawala dahil hindi ko na nakikita kahit na mga labi nila, Mr Liam... tuluyan na silang bumalik ... sa ... lupa.." she sniff. Mabilis na tumayo si Liam at niyakap ang nagdadalamhati na inaanak. "Now, now, that's enough... I mean, it's alright, to cry.. but.. please know that I'm here, hindi kita pababayaan Mikayla.. I promise that I will take care of you." he squatted in front of her. Yumakap si MIKAYLa Kay Damon ng mahigpit, kumapit siya ng mahigpit sa leeg ng binata at isinubsob ni Mikayla ang kaniyang mukha sa dibdib ni Liam. Bagama't nabigla si Liam ay dinala rin Niya ang kaniyang mga bisig sa likuran ng inaanak at hinimas pa ito. " You'll be alright, you'll be safe now.." tiim bagang na saad nito. Naalala kasi ni Ninong ang pang-aabuso ng pinsan na si Janus. Alam Niyang Isa ito sa dahilan kung bakit tuluyan na nagdamdan si Mikayla sa pagkawala ng kaniyang mga magulang. "Here..." binigay ni Liam ang kaniyang panyo Kay Mikayla ng wala siyang mahagilap na tissue sa desk ng yumaong Kaibigan. Tumayo ng tuwid si MIKAYLa at nagpahid ng kaniyang luha." Thank you, Mr Liam.." mabilis na namula ang mata ni Mikayla dahil sa KANIYANG pag-iyak. Tumayo na rin si Liam. "Uhm, you do realize that I'm your Ninong right?" inilagay ni Ninong ang kaniyang kamay sa bulsa ng trousers. Tumango si MIKAYLa na nagpapahid pa rin ng kaniyang luha. " Yes, I know... hindi lang ako komportable na tawagin Kang ninong dahil you look so young." Liam wanted to laugh, pero isinaalang-alang niya ang damdamin ng INAANAK.. " And your dad was young too, magkaedad kami. He was 27 just like me.." sa isip ni Liam, sa kasamaang palad, hanggang 27 na lamang si Warren, hindi na madaragdgan ang bilang ng kaniyang edad. "He was my father though, iba naman ang pakiramdam kapag papa mo ay bata pa."' "Hmn, paanong iba?'" nagsisikap si Liam na I divert ang atensyon ni MIKAYLa sa ibang paksa upang kahit papaano ay maibsan ang pangungulila Niya sa kaniyang mag magulang. "I mean, you are not old.. ang mga ninong kasi na nakikita ko sa mga kaklase ko ay mga matatanda na." "Hmn, ganon ba, huwag Kang mag-alala Mikayla, kahit hindi pa ako matanda. Sisikapim Kong maalagaan kita ng maayos gaya ng pag-alaga ng iyong Papa sa iyo." yumuko si Liam, samantalang nakatanga naman si MIKAYLa sa kaniya. Nag-pang-,abot ang kanilang paningin. "Promise?" bahagyang sumilay ang mga ngiti sa labi ni Mikayla. "That's a promise.." Tinaas pa ni Liam ang kanyang kanang kamay. He smiled at her. "Pinky promise?" Mikayla grinned. Inilapit Niya ang kaniyang pinky Kay Liam. Liam chuckled, pero ganunpaman, inabot Niya ang pinky finger ni MIKAYLa, sinalubong ito ng kaniyang pinky finger din," I promise ..." nakangiting sabi ni Liam. Natutuwa siya na nakitang nakangiti ang kansiay inaanak. "Okay, Mikayla... ikaw na ang bahala, kung gusto mo akong tawagin na ninong okay ako, kung gusto mo naman ng Mr Liam ay ikaw ang masususnod. Kahit pa, tito or uncle - ayos lang sa akin..." he said. "I'm fine with Mr. Liam and Ninong--depende na lang po Mr Liam kung ano nag mabigkas ko, maraming salamat po. Now,, sa akin na muna ito..." Tinaas ni MIKAYLa ang panyo ni Liam. "May sipon na eh.." nahihiya na sabi ni MIKAYLa...labhan ko muna.." bahagyang namula ang pisngi ni Mikayla. Liam chuckled again. Mikayla is a combination of both a teenager and a child, preteen era pa ang kaniyang INAANAK. "Nagugutom ka ba?" tanong ni Liam. Namilog ang mga mata ni MIKAYLa. " Yes, I'm starving.." "Okay, since it's almost lunch time, kain na muna tayo and after lunch we can proceed to your school.." "Than you so much Mr Liam." excited si MIKAYLa na naririnig ang tungkol sa paaralan. Isa sa motivation Niya upang hindi siya masyadong mangulila sa kaniyang mga magulang ay ang pag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD