LIAM'S POV
"First thing in the morning, Mr. Mendoza- tatawagan na lamang kita para magkita tayo para sa legal adoption mo Kay Mikayla Mendez." nakangiting sambit ng attorney. Kailangan ko ng umalis, gaya ng sabi ko may meeting pa ako sa Ayala."
"All right Attorney, maraming salamat sa iyo.." we shook hands. " Hintayin ko na lang ang tawag mo,.." I said.
"Yes, Mr. Mendoza-, alam Kong marami Kang katanungan tungkol sa mga assets ni Mr. Warren Mendez. Pero gaya nga ng sabi ko kailangAn ako ngayon sa Ayala, kanina pa naghihintay ang Isang kliyente ko.." sinulyapan ni Attorney Abibas si Zia, na nag paiwan sa study pagkatapos ng mainit na pagtatalo ng pamilya sa harapan ni Attorney.
"Uhmmp.." Zia crosses her kegs." I'm sorry Attorney at naging dahilan pa ako ng delayed meeting mo this afternoon.." Zia playfully nodded at Attorney Joebert Abibas.
"Nevermind.." agad niyang iniwas ang tingin sa makamandag na katawan ni Zia, ang bunsong kapatid ni Warren. Hindi mapagkatiwaan ang babaeng ito, pagpasok pa lamang Niya kanina sa study ay matapang Niya akong hinalikan.
Hindi ko na pinansin ang kaniyang paghalik dahil it's just a smack on the lips. No big deal about it, besides, at 24, she's old enough to handle herself. And more importantly, I didn't initiate the kiss.
She was kissing me, I didn't...
"Buweno, Mr Mendoza... where did you plan to rest tonight--"
"In here.." mariin na Sabat ni Zia. " Anong klasing host kami kung hahayaan namin si Liam na matulog sa hotel at hindi rito sa manor, he's our dearly beloved visitor. A very interesting person.." malumanay na wika ni Zia.
"Actually I'm planning to stay tonight at the hotel." I did
"Miss Mendez, maaring matulog si Mr Liam Mendoza sa Isa sa mga hotel na ipinagkatiwala ng yumaong si Mr Warren Mendez sa kaniya."
"True that.." tumayo si Zia at lumapit sa akin. Hinawakan Niya ang aking braso habang nakangiting nakatingin sa akin.
"No, I want to be a good hostess for tonight. Ano na lamang ang sasabihin ni kuya Warren...oh God, bless and forgive his soul, anyways, Mr Liam Mendoza here is my brother's best friend. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, so, dito na siya magpahinga mamayang gabi at kung hanggang Kailan pa Niya gusto.." she said flirtatiously.
Obviously, kinukuha Niya ang atensyon ko. Actually, since my arrival here, hindi na lumayo sa akin si Zia, palagi siyang nakabuntot sa akin.
"Kung gayon, pwede na dito ko na dadalhin ang papeles Mr. Mendoza, dito na lang tayo magpirmahan. And I really need to go.." minsan pa ay nagkamay kami at nagmamadali na lumabas si Attorney sa study room.
Sa tabi ko ay bumuntong-hininga si Mikayla. " Are you okay?"
For the first time, nakita ko na ngumiti si Mikayla- parang nabunutan ng tinik ng tumango ito sa akin. "Maraming salamat, Mr Liam." maging ang tinig ni Mikayla ay nakaringgan ko na ng sigla.
"Nagtataka ako kung bakit naisipan mo na kunin si Mikayla- Liam.." hinintay ko ang karugtong na sasabihin ni Zia, pero tila nag-iiisip ito. Tinitigan Niya si Mikayla ng walang ekpresyon.
"Walang sinumang may gusto sa Kaniya rito..." I simply said.
"Hindi totoo iyan! " maagap na sagot ni Zia. tumayo ito at lumapit sa amin na nakatayo na.
"Ako ang bunsong kapatid ni kuya Warren, I can watch over her.."
Dagli Kong sinulyapan si Mikayla na umiling. Naalala ko ang sabi Niya na walang sinuman na may gusto sa Kaniya sa manor house. Naalala Kong sinabi Niya na galit silang lahat sa papa Niya. Gusto ko itong i-clarify kung bakit. But hearing the Last Will And Testament,... I think may idea na ako kung bakit.
"Interesting .." nilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking trousers.
" Tapos na ang pag-uusap namin ni Attorney, buo na ang aking pasiya for Mikayla's adoption, base na rin sa request ng bata."
"Hmn, naniniwala ka naman sa simabi ng batang iyan?" umismid si Zia. "Anong gagawin ni Janus sa kaniya? Twelve years old lamang siya..". nakasimangot na sabi ni Zia. " Besides, they're cousins."
"Trust me, maraming mga issue ang bumangon sa loob ng Isang pamilya na hindi natin sukat akalain na mangyayari. Kung hindi ka naniniwala, ako naniniwala kay Mikayla, you're always busy..." binigyan ko ng diin ang huling kataga. " So, I doubt if you can take care of Mikayla."
Ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya niyang alagaan si Mikayla-. It's Mikayla's wealth , iyon ang kaya niyang alagaan.
"Let's see about that.. " bumukas ang pintuan at pumasok si Aling Mely.
" Ma'am Zia, nakahanda na po ang hapunan.
Sinulyapan ko ang aking relo, it's 5:30 in the afternoon. It's pre-evening.
"Come, Liam..alam kong pagod tayong lahat ngayon. Those agonizing days were over, mag move on na tayo sa nangyari Kay kuya Warren at ate Annie." nagkibit balikat si Zia. " Ganiyan talaga ang buhay, nauna silang namatay eh..come, kumain na tayo at ng makapagpahinga tayo ng maaga.."
Tumalikod na si Zia at mabilis na nakahawak sa doorknob. Ito ba ang nagsabi na pwedeng mag-alaga Kay Mikayla? Ni hindi man lang isinaalang-alang ang damdamin ng bata kung nasasaktan ba o hindi sa Kaniyang mga salita?
"Come on Mikayla.." I nodded at my best friend's daughter.
Pagkatapos nang aming hapunan ay nagpahangin muna ako sa veranda na konektado sa silid na inihanda ng pamilya sa Akin.
I was thinking about the time when Warren was still alive. We were best of friends since we were in high school. Originally, sa Mandaluyong Manila nakatira ang pamilya Mendez.
Pero nag migrate ang pamilya ni Warren sa Cebu dahil sa magandang opportunity na dumating sa kaniyang ama.
Lumipad ng Cebu City ang buong pamilya maliban Kay Warren na nagpaiwan sa Maynila sa pangangalaga ng kaniyang lolo.
Lalong naging malapit kami sa isat-isa simula ng nag-migrate ang buong pamilya sa Cebu City dahil palagi na kaming nagkikita ni Warren. But, occasionally... dinadalaw siya ng kaniyang mga magulang sa Mandaluyong kapag hindi siya makauwi dahil sa busy sa kaniyang pag-aaral.
May pagkakataon rin na si Warren ang umuuwi ng Cebu tuwing bakasyon. Nagpatuloy ang ganitong set up ng kaniyang buhay, hanggang sa dumating ang pagkakataon na nakilala ni Warren si Annie Uy.
Pinakasalan Niya ang kaniyang girlfriend ng makapagtapos ito ng pag-aaral at simula doon ay naputol na ang aming pagkikita, bagama't hindi doon nagtatapos ang aming pagkakaibigan. From time to time ay nagtatawagan kami sa telepono as our form of communication.
"Mr. Liam, pwede ba kitang makausap.." kinalabit ni Mikayla ang aking likod. Mabilis ko naman siyang tinapunan ng tingin.
"Hmnn.." naputol ang aking pagmuni-muni at hinarap ko si Mikayla.
" Sure..halika umupo tayo.." sumenyas ako sa kaniya na umupo sa balcony deck . Naupo kaming magkatabi. Maganda ang kapaligiran ng manor house nina Warren. No wonder na nanggalaite sa galit ang mga naiwan ni Warren ng marinig na Kay Mikayla ito na kapangalan.
Sa pagitan ng mga ilaw sa paligid ng manor at sa liwanag na dulot ng buwan, ay maliwanag kong natatanaw ang kagandahan ng kapaligiran ng manor.
Kung hindi ako nagkakamali, Isang uri ng French manor house ang bahay nina Warren dahil sa desinyo ng hardin nito. May mga hugis-hugis na halaman ito, fountain at estatwa, ito ang kadalasan na nakikita Kong mga desinyo ng french houses.
The manor is worth dying for. Ang manor house nina Warren at Annie Mendez ay Isang malaking bahay na may
magandang arkitektura at disenyo. Ang bahay ay may malalaking bintana, mataas na kisame, at malawak na veranda. Ang mga pader nito ay gawa sa matibay na bato o kahoy, at ang bubong ay may mga malalaking kisame na nagbibigay ng magandang tanawin sa paligid.
Ang loob ng manor house ay nagpapakita ng luho at elegansya. Ang mga kuwarto ay malalaki at may magagandang detalye tulad ng mga gawa sa kahoy na kisame, mga malalaking bintana, at mga pader na may mga obra maestra. Ang bahay ay may malawak na silid-tanggap, kusina, at mga kuwarto para sa mga bisita. Ang hardin at ang paligid ng bahay ay puno ng mga halaman at mga puno, na nagbibigay ng magandang kapaligiran at katahimikan.
I smirked as i remembered the shock expression of the twin's family and the twins themselves, even Zia. Bagama't si Zia ay playing cool.
Pero ano ba ang nasa isip nila? Si Mikayla ang anak, kaya dapat lang na sa kaniya mapupunta ang lahat.
"Maraming salamat... Maraming salamat dahil pumayag ka na sasama ako sa iyo sa Maynila.." mahinang sabi ni Mikayla.
Nakatingin si Mikayla sa Hardin.
"Mikayla, do you realize that you are now a billionaire?"
"Narinig ko po ang pagbasa ni Attorney Joebert Abibas sa Last Will And Testament ni Papa. " mahinang sabi ni Mikayla. " Pero hindi po ito ang mahalaga sa akin, Mr Liam. I want my Papa and Mama.." nagsimula ng humikbi si Mikayla.
"Aanhin ko naman ang lahat ng kayamanan kung nag-iisa... na lang, ako.. sa buhay.." pautal-utal na sabi ni Mikayla.
I shifted my body. ito na naman itong usapan na hindi ako sanay.
"Kanina sa sementeryo, sinabi mo sa akin na gait silang lahat sa Papa mo..what do you mean by that?"
Mabilis na tumango si Mikayla. Mabilis din niyang pinahid ang kaniyang luha na tila nahihiya ito at ayaw niyang makita ko na umiiyak siya.
"Narinig ko sila madalas na inaaway nila si Papa tungkol sa mga hotel, tungkol sa mana na naiwan nina Lolo at Lola. Hindi ko maintindihan kung bakit si Papa ang kanilang inaaway. One year ago ng mamatay sina Lolo at Lola sa aksidenti rin just like my parents, kinukulit nila si Papa tungkol sa mana- but everyone went silent and gets even furious pagkatapos mabasa ang huling habilin nina Lola at Lolo..."
I widened my eyes as my imagination went wild, hindi kaya--
"Kanino napunta ang mana ng Lolo at Lola mo? Bakit mas lalong nagalit ang lahat?" lumunok ako ng laway ng marinig ko ang sagot ni Mikayla na inaasahan ko na.
"Kay Papa.."