"Are you really okay?" may pag aalala ang tono ng pagtatanong ni Mattnew kay Daphne dahil maluha luha pa rin itong matamlay na naupo sa kama pagkapasok nila sa kwarto. Bitbit ng binata ang basket na puno ng mga prutas, tray kung nasaan ang gelatin at ang peanut butter na pinagsasawsawan ni Daphne ng strawberry. Na wewirduhan si Mathhew sa mga pagkaing hinahanap hanap ng babae samantalang hindi naman sya nagkakakain ng ganoon. Sobrang laki ng pinagbago nito buhat ng umuwi ito galing korea; kung dati ay diretso ito sa club para mag inom at magpakalasing hanggang madaling araw ay mas pinili nitong umuwi, tila naiwan sa malamig na winter season sa korea ang pagka hyper nito sa gabi at nabaon sa makapal na buhos ng nyebe, imbes kase na ibat ibang klase ng alak ang hanapin nito ay mas ninais pa

