KIEL POV "Mapapangasawa?". Akala ni tatay ay nagbibiro lamang si Jacob nang sabihin nitong sya ang kapatid ng aking mapapangasawa kaya hindi nya ito pinansin. Napatingin sya sa akin matapos nyang maibaba ang kanyang kamay mula sa pagkakamano ni Jacob. "Kiel, mabuti at naka uwi ka anak", Kitang kita ko pa rin ang pagod sa itsura ni tatay, hindi ito mapakali sa loob ng bahay at hinahap hanap ng kanyang katawan ang trabaho sa bukid kahit pa sa katirikan ng araw. Gusto ko na syang patigilin sa pagtratrabaho at mabigyan naman sya ng magandang buhay bago sana sya mawala. Ngayon ay mas nauna ko pa syang bigyan ng apo, pero mabuti na siguro yun at nang malibang naman ng isang bata ang buhay nitong nagugol sa pag aalaga ng kalabaw, kambing at mga tanim sa bukirin. Naawa ako sa kalagayan namin

