Bugnot na bumangon si Daphne sa kama isang umagang pumasok sa kwarto nito ang amoy ng bawang na ginigisa sa kusina. Dali dali syang tumayo at lumabas para ipatigil iyon dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang sya nagalit sa amoy na iyon. Alas singko pa lang at madilim pa sa labas, masyado pang maaga para magluto ang mga kasambahay ng almusal dahil madalas ay alas nwebe naman silang nag uumagahan lahat. "Shane!!!!," Hindi pa man nito nabubuksan ang pinto ng kanyang kwarto ay sinigaw na nito ang pangalan ng kanilang katulong. "Shane itigil mo yan, ang aga aga pa!!" Hanggang sa paglakad nito tungo sa kusina ay sinisigaw nito ang pangalan ni Shane. Habang papalapit sya doon ay naduduwal sya dahil tumatapang ang amoy na tila niyuyugyog ang kanyang bituka at ang kanyang utak. Napatakip na i

