KIEL'S POV. Tumayo agad ako nang marinig ko ang pasigaw na tawag ni Daphne sa pangalan ko mula sa labas. Sumilip ako sa bintana at nang dudungaw na ako ay muling pumasok ang isang malaking bato na kung hindi ko naiwasan ay siguradong natamaan ang aking walang depensang muka. Dali dali akong lumabas. Nakasalubong ko si Don Recar at si Shane na mga aligaga rin at marahil ay narinig din ang pagsisisigaw ni Daphne. "Ako na, ako na Shane", sabi ko sa kanya at pinabalik na sya sa kanilang kwarto. "Ako na bahala wag na kayo lalabas ah." "Ako na po Don Recar, magpahinga na po kayo." "Maam Daphne!", naabutan ko syang may hawak na namang bato at natigil sa hangin ang pagbato sana muli nito sa aking kwarto. "Bakit po?" "Bakit? g a g o ka! Bakit? Sa tingin mo ba may karapatan kang manahimik?" S

