KIEL POV "Kung gusto mong mabuhay ang batang ito, pakasalan mo ako". .... Hindi ko na napansin ang biglaang pagtayo ni Daphne at ang mabilis nitong pag panhik sa banyo habang tutop tutop ng kanyang palad ang kanyang bibig. Naduduwal sya. Hinayaan ko muna sya at hindi ko na sya sinundan. Gusto kong samantalahin ang maikling oras na iyon para sa sarili ko at pag isipan ang sinambit nitong gusto nyang pakasalan ko sya kung gusto kong mabuhay ang batang anak ko o anak namin sa kanyang sinapupunan. Malaking pala isipan sa akin bakit kailangan nya ng kondisyon para ilabas ng buhay ang anak namin?. Kaya ko bang panindigan kung sakaling pumayag ako sa gusto nyang mangyari? Kasama namin sya ng anak ko sa iisang bahay habang lumalaki at naka tali kami sa isa't isa sa isang kasal na padalos dalos

