The Billionaire's Substitute Bride 2

1904 Words
ALTHEA Kumibot ang aking labi. Parang gusto ko na ngayong bawiin ang sinabi ko kaninang umaga na handa na akong madiligan at handa kong sunduin ang prince charming na nabanggit ng aking kakambal. Parang ayoko na ngayong isuko ang bataan nang basta-basta. Mas lalo nitong inilapit ang mukha pero sa pangalawang pagkakataon ay muli ko siyang pinigilan. "Mawalang-galang na, pogi. Bago mo ako halikan, pwede ko bang malaman kung anong utang ng kapatid ko sa'yo? I mean, magkano? Baka kasi puwede ko naman sanang bayaran?" Bumaba ang tingin niya sa akin, matapos ay dahan-dahan siyang umiling. "Believe me, you can't pay it." Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan dahil sa narinig. "Sureness?" naninigurado kong tanong na sinagot niya naman ng marahang pagtango. Susko naman! Ano bang negosyo ang pinasok ni kambal at umabot yata ng milyon ang pagkaka-utang niya sa lalaking ito? "Just close your eyes and let me seal this wedding, Honey." Ayoko mang isipin pero tila ba nasa loob ako ng isang mahabang panaginip habang nakatingin sa kaniya. Napakaswerte naman ng lalaking 'to at mukhang gising na gising siya noong umulan ng kaguwapuhan. He's too perfect, para siyang isang male lead na nabuhay mula sa libro. Bumaba ang tingin ko sa mapupula nitong labi kaya muli na naman akong napalunok. "Hindi ka naman excited na mahalikan ako, ano? Pangalan mo muna!" Tumaas lamang ang sulok ng labi niya habang puno ng lambing na hinahaplos ang aking mukha. "I'm Tyrus Saavedra, Honey." Ilang minutong nagpabalik-balik sa aking isipan ang pamilyar nitong pangalan hanggang sa natameme na lamang ako nang lumapat ang labi nito sa aking labi. Wala sa sarili naman akong napapikit dahil tila ba nalunod ako sa ginawa niya. It was too gentle and breathtaking, to the point na halos manlambot ang mga tuhod ko sa sarap nitong humalik. 'Tapos na ba? Akala ko may torrid pa?' Muntik na akong mapasabunot sa aking sarili dahil sa mga kalokohan ko. Gano'n na lamang tuloy ang pamumula ng magkabila kong pisngi nang iminulat ko ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit tumambad sa paningin ko ang abot tainga nitong ngiti na para bang nanalo siya sa lotto. Dapat ko bang isipin na masaya siyang ikasal sa isang tulad ko? Sa isang babaeng ngayon lang naman nito nakilala? "Call me, Honey." Umawang ang labi ko sa sumunod niyang utos. Para kasi akong natameme magmula nang buhatin niya ako in a bridal manner hanggang sa marating namin ang mamahalin nitong sasakyan. May wedding bouquet pang nakatali sa harapan na para bang pinaghandaan talaga nito ang magaganap na kasal. "Honey agad?" sabi ko pagkatapos mahimasmasan. Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya, bagkus mahina lamang itong natawa. Pumagitna sa aming dalawa ang isang mahabang katahimikan habang nasa biyahe. Gusto kong pakalmahin ang aking sarili pero walang ibang tumatakbo sa isipan ko kung hindi ang ngiting ipinakita nito sa akin kanina, maging ang pangalan niyang nagbigay ng hindi maipaliwanag na emosyon sa aking sistema. Tyrus Saavedra... Nainis ako dahil kumirot na lamang ang ulo ko sa kakaisip. Minsan ba ako nitong pinagbentahan ng insurance o baka naman naging kliyente ko na siya noon? "May gusto ka bang sabihin sa akin, Honey? Kanina ka pa nakatingin." Mabilis kong binawi ang tingin dito at nagkunwaring pinagmamasdan ang dinadaan namin. "Saan tayo pupunta?" tanong ko na para bang walang nangyari. Makahulugan niya akong tinitigan bago ito matamis na ngumiti. Pakiramdam ko tuloy ibang tao na ang kasama ko ngayon dahil biglang nagbago ang mood niya pagkatapos ng kasal. Mas maaliwalas pa sa langit ang mukha nito at panay ang ngiti niya na parang baliw. "I'll bring you home, Honey." Gulat ko siyang hinarap. "Iuuwi mo ako? Akala ko ba marriage certificate lang ang kailangan ng mga magulang mo?" Mabilis itong umiling. "You're my wife. Of course, I'll bring you home with me." "Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung gusto kong umuwi sa amin para magpaalam sa pamilya ko at kumuha ng mga gamit?" Saglit siyang natigilan. Hindi kaya na-realize na nitong sobra ang ginagawa niya sa akin? "You can call them and buy whatever you want with me after." Napabuntong-hininga ako at puno ng disappoinment na tumitig dito. Bigla na naman akong nalungkot ngayong ramdam kong nakatali ako sa isang bagay na hindi ko naman talaga ginusto. Malamang sa malamang, hindi ko na rin magagawa ang ano mang bagay na gustuhin ko simula ngayon. "Sa tingin mo ba lahat ng bagay nabibili ng pera?" may inis kong tanong sa kaniya. Tuluyan na akong nawalan ng pakialam kung ma-badtrip man ito sa akin. "Sa mundong ginagalawan natin ngayon, money can buy everything, Honey. It can even buy love and happiness." Kagat-labi akong napayuko. Kaya ba naisipan din nitong gamitin ang pera para makakuha ng babaeng mapapangasawa? Grabe! Hindi ko siya muling inimik hanggang sa napabuga na lamang ito ng marahas na hininga. Napansin yata niyang nagbago bigla ang timpla ko. "Kung inaalala mo ang mga magulang mo. Don't worry, hindi kita ipagdadamot sa kanila. Pwede tayong bumisita sa inyo sa susunod na linggo." "Tayo?" hindi makapaniwala kong tanong. Tumango siya. "Of course, sasama ako sa'yo bilang asawa mo." Napasapo ako sa aking noo. Iniisip ko pa lang ang mangyayari, hindi ko na mapigilang huwag mapakamot ng ulo. "Siguradong magugulat ang mga magulang ko kapag nalaman nilang ikinasal ako ng wala man lang silang kaalam-alam. Baka himatayin pa ang mommy ko sa sobrang gulat." "Gano'n ba?" aniya saka tipid na ngumiti sa akin. "What if they'll like me? Anong gagawin mo?" Napailing na lamang ako sa sinabi nito saka muling natahimik nang maramdamang huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang malaking villa. Bahagya pa siyang tumingin sa akin bago bumaba ng sasakyan. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang maunahan niya ako. "Home sweet home, Honey." Hindi ako nakaimik dahil naunahan ako ng puso ko. Basta na lamang trumiple ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Ayoko mang aminin pero nagmukha siyang prince charming habang hawak ang aking kamay. Inalalayan niya ako na para bang totoo kaming mag-asawa. Nanatili akong tahimik hanggang makapasok kaming dalawa sa mala-mansyon nitong bahay. At bilang isang interior designer, talaga namang namangha ako sa ganda ng bawat sulok nito. Rose crystal chandelier pa lang ang bumungad sa akin kanina ay napatunayan kong mayaman nga si Tyrus. Nagkakahalaga kasi ng milyones ang isang 'yon at kung hindi ako nagkakamali ay sa ibang bansa pa nabibili. "Handa na po ang lahat, Sir." Nginitian nito ang matandang babae na kung hindi ako nagkakamali ay mayordoma ng mansyon. Mukha naman siyang mabait at masipag, sinalubong nga kami ng iba pang mga kasambahay kanina na para bang excited silang lahat sa pagdating naming dalawa. "Bakit ganyan ka na naman kung makatingin, Honey?" Hindi ko napigilang lumabi bago sumagot. Sinigurado ko pang nakalayo na ang mayordoma nito. "Hindi sa nangingialam ako, Tyrus. Pero bakit ang babata naman yata ng mga kasambahay mo?" sabi ko. Malakas siyang natawa na para bang naintindihan nito agad kung anong tinutukoy ko. "Sinadya ko para walang paselosan ang babaeng mapapangasawa ko." "Really? Nakakaloka ka naman!" Alangan ko siyang tinitigan bago ako napangiti. Ayokong isipin na ako ang tinutukoy niya sa babaeng mapapangasawa dahil una sa lahat, ang kakambal ko ang muntik na nitong piliting magpakasal sa kaniya. Nang marating naming dalawa ang master's bedroom, nagdalawang-isip pa ako kung susunod ako sa kaniya. Inunahan ako ng kaba na baka mamaya may kung anong surprise na naman na naghihintay sa akin sa loob. Maingat ko siyang sinundan hanggang sa bumalik ang tingin niya sa akin. "Aren't you hungry? May pinahanda akong pagkain para sa ating dalawa." Muli na namang nagharumentado ang puso ko sa narinig. Hindi ko mapigilang sulyapan ang dining table kung saan may mga pagkaing mukhang pinahanda niya talaga para sa aming dalawa. He's really thoughtful, isang bagay na gusto ko sa isang lalaki. Lihim na lamang akong napangiti saka naupo sa tapat nito, kumain kami ng sabay nang wala man lang umiimik sa aming dalawa. I wanted to appreciate the food so bad, pero pinigilan ko ang aking sarili. Paborito ko kasi lahat ng mga kinain naming dalawa ni Tyrus. Siguro kung matagal na kaming magkakilala ng lalaking 'to, baka umasa akong pinahanda niya talaga ang mga pagkain para lang sa akin. Hindi nagsawa ang mga mata kong titigan ang mga furniture and fixtures sa loob ng kwarto niya. Maging ang kulay ng silid at mamahaling vertical blinds ay hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata. Sinamantala kong siyasatin ang bawat sulok ng silid nang ilang minuto niya akong iwan sa loob dahil humihingi na raw ng copy ng marriage certificate namin ang mga magulang niya. "We're going to meet my parents tomorrow." Hindi na ako nagulat nang marinig ang sinabi niya mula sa aking likuran. May napanood kasi kaming C-Drama ni Athena na gano'n ang nangyari pagkatapos ng marriage certificate thingy. "Si Athena ba 'to?" tanong ko nang mapansin ang ilang pirasong picture frames sa ibabaw ng kulay puti niyang cabinet. Mabagal naman itong humakbang papunta sa kinaroroonan ko. "Sino sa tingin mo? Don't you want to take a closer look at it, Honey?" Hindi ko pinansin ang ngiti sa mga labi niya dahil napuno ng kuryusidad ang isipan ko. Ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa ng kapatid ko at may picture ito sa kwarto niya? Dati ba silang magkasintahan o baka naman friends with benefits silang dalawa? My gosh! Bakit ba ang dumi ng isip mo, Althea? Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang picture hanggang sa nanlamig na lamang ang mga kamay ko sa aking kinatatayuan. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong picture frame dahil sa sobrang gulat. "Bakit may picture ako sa kwarto mo?" tanong ko nang makasiguradong ako nga talaga ang babaeng nasa litrato at hindi ang kakambal ko. Lumingon si Tyrus sa akin, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. "Nakakasigurado ka bang ikaw talaga ang nasa picture at hindi ang kakambal mo?" Kunot ang noo ko siyang tinitigan saka napabuntong-hininga. "Kaloka!" Halos mapadabog ako sa harapan nito sa sobrang inis. "Stress na nga ako dahil hindi sumasagot ng tawag ang kakambal ko simula kanina, may gana ka pang dumagdag!" Natawa lamang ito. "Why don't you take a shower and rest for a while, Honey? Sigurado akong napagod ka sa dami ng mga nangyari. Pwede mo naman silang tawagan ulit bukas." Konti na lang maniniwala na akong masaya ang lalaking 'tong maikasal sa akin. Bigla talaga siyang bumait at naging caring, unang araw pa lang pero para niya na akong ginagawang spoiled wife. "Hindi pwede! Kailangan kong sermunan ang kakambal ko dahil sa mga nangyari. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako mapapasubo sa isang instant wedding." Humalukipkip siya sa harapan ko habang nakakabit ang puting bath towel sa kaniyang braso. Kailangan pa bang maligo ng lalaking 'to. Eh, sobrang bango na niya? "What will you do if it's planned?" Nakasimangot ko siyang sinagot. "Kaya nga tinatawagan ko si Athena dahil alam kong pinagplanuhan niya ang lahat ng ito. Walang ibang pwedeng maging mastermind kung hindi siya lang." Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang lumalim ang gatla nito sa noo. Akala ko pupunta na siya ng banyo ngunit muli itong humakbang papalapit sa kinatatayuan ko. "So, you will compromise our honeymoon for that purpose?" Nahigit ko ang aking hininga. "A-Anong honeymoon?" "Our honeymoon..." pag-uulit niya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD