James Madrigal Magaan ang kanyang pakiramdam ng siya ay pumasok sa kanyang kompanya. Hindi maalis sa kanyang isipan ang mainit na pinagsaluhan nila ng kanyang asawa. Nasundan pa ng kanilang kulitan habang nagaalmusal. Ang suggestion niya kay Madeline ay sa Madrigal Corp. na rin ito magtrabaho para magkasama sila lagi. Kung siya ang tatanungin puwede na ngang hindi ito magtrabaho at manatili lamang sa kanilang bahay. Pero tumanggi ang huli na tumigil sa trabaho dahil nakasanayan na raw niya itong ginagawa. Ang usapan nila kapag nagkababy sila ay titigil na ang asawa sa trabaho pero ang sagot lamang ay pagiisipan nito. Hindi din ito pumayag na lumipat sa main corp dahil naging malapit na din ang asawa sa mga tauhan ng Mendez Corp. Kaya bilang supportive husband ay ginagalang nito ang desi

