Madeline Reyes Kahit may mga issues na kumakalat sa Mendez Corp patungkol sa kanila ni James ay kinibit balikat niya na lang ito. Dahil ang katwiran niya ay alam niya kung anu ang totoo. Ayaw niya na rin ito lumaki pa at baka makarating pa ito kay James. Masyadong abala ang asawa niya at iniisip tungkol sa trabaho. Ayaw na niya maging pabigat at isa sa iisipin pa nito. Tutal sanay naman siya na lagi pinaguusapan tulad din ng dati lilipas din ito at mamatay ng kusa ang mga kumakalat na balita. Narinig niya na lang na may kumakatok sa kanyang pintuan kaya pinapasok niya ito habang ang kanyang atensyon niya ay nasa dokumentong nasa ibabaw ng lamesa niyaz “As expected, still working eventhough her husband earned billions in a day.” Narinig niyang sabi ng bagong dating. Kaya agad niyang tin

