Madeline Reyes Ang tunog ng alarm clock ang nagpagising sa akin,nasanay ako na laging nagaalarm kahit walang pasok. Hindi ko na ito tinuturn off. Wala din naman kaming pasok ngayon ni James at sabi niya hanggang Lunes pa daw at nakaleave na daw ako. Iba talaga kapag boss ang asawa kapag sinabing hindi siya papasok talagang gagawin nito. Nung nakita ko na mahimbing pa din si James na natutulog ay dahan dahan ko inalis ang braso niya na nakadagan sa akin at dahan dahan akong naglakad papuntang cr para gawin ang aking morning routine. Mahimbing pa din ito natutulog kahit paglabas ko ng cr kaya nagdesisyon akong bumaba,alam kapag ganitong oras gising na sina Mama at Papa. Pagbaba ko nga nakita ko si Papa na ngbabasa ng diyaryo at si Mama naman at naghahanda na ng almusal. “Morning Ma at Pa.

