Madeline Reyes Araw ng pagbabalik namin sa opisina kaya maaga akong nagising para magluto na din ng almusal. Pagbaba ko ay nakita ko si Manang na naghahanda na sa lamesa. “Morning po manang.” Bati ko dito “Oh iha aga mo gumising. Gusto mo ba ng kape ipagtitimpla kita?”Alok sa akin ni Manang “Naku ako na lang po. Ngayon po kasi ang balik namin ni James sa trabaho,kaya magluluto sana ako pangalmusal eh naunahan niyo po ako.” Sabi ko sa kanya. “Hay naku iha ayos lang kahit hindi kana maghanda ng almusal at andito naman kami. Siya parine tayo sa kusina kung magtitimpla ka kamo ng kape.” Yaya niya sa akin. Sumunod nga ako sa kusina dahil nga hindi na nga ako nakaikot sa bahay dahil din sa pagod ,aya ngayon ko lang nakita kung gaano kaganda ang kusina ng bahay ni James. Talagang pang mayama

