James Madrigal Nagising na lang ako sa lakas ng kalabog na narinig ko at nung hinanap agad kung saan nanggaling ang ingay. Nakita ko si Madeline na nakadapa sa sahig kaya dali dali ko itong binuhat pabalik sa kama. Masakit ang ulo ko dahil sa hangover pero lalo pa ito sumakit nung dumating si Mom. Bigla akong kinabahan hindi para sa akin kung di para kay Madeline,mamaya kasi magiba ang tingin nila dito dahil sa nadatnan niyang sitwasyon namin. Alam ko na masakit ang katawan ni Madeline kaya ako na ang naghanda ng pampaligo niya at binuhat ko ito papasok sa loob ng cr. Nung narinig ko ang paglock nito ng pinto,hinanap ko na ang damit ko para makapag shower na din ako sa kabilang kuwarto. Pagdako ng tingin ko sa kama,nakita ko na may bahid ng dugo ang bed cover na galing kay Madeline,kat

