KABANATA XXI --- "Trina..." Napahinto si Trina. Nang may tumawag sa pangalan niya walang iba kundi si Kidlat. "Hinanap ko kayo," aniya nito nang makalapit na sa kanilang dalawa. Lihim na tumingin si Trina sa likuran nito. Nakahinga siya ng maluwag nang masiguradong hindi nito kasama ang dalawang pinagtaguan niya. "U-hm. Nagugutom kasi ako gusto ko sanang kumain," pagsisinungaling niya rito. "Where is Johan?" nagmadali siyang lumingon nang marinig ang tanong nito. Bigla siyang nilusob ng takot sa dibdib niya nang mapansin wala sa tabi niya ang kapatid na kanina lang hawak-hawak niya. "K-Kidlat si J-ohan?" balik tanong niya rito may takot sa mga matang nakatingin kay Kidlat. Nagtatanong ang mga matang sinalubong siya ni Kidlat sa tanong niya rito. "Ikaw ang kasama ni Johan! Iniwan k

