K : 12 ---- "Kid, what she's doing here?" Tukoy ni Nica sa dalagang halos kayakap na ng binata kay Trina. Tinapunan ng tingin ni Kidlat si Trina bago hinarap ang dalaga. "You?! What are you doing here?" narinig ni Trina na balik tanong nito kay Nica. Sa di siguro nagustuhang tanong nito rito. Napasinghap ito. Tinapunan siya ng matalim na tingin. "I'm here to visit you! How about her nandito ba siya para landiin ka?" galit na tanong nito. Na hindi nawala ang tingin kay Trina. Napabuntong hininga si Kidlat, hinarangan siya sa akmang paglapit ni Nica sa kaniya. "Nica. Hindi pumunta rito si Trina tulad ng iniisip mo. She's my friend!" Pagtatanggol ni Kidlat. Napakibit balikat si Nica hindi naniniwala sa tagpong naabutan nito, alam niyang higit pa sa magkaibigan ang relasyon nilang

