"IKAW ang humukay sa sarili mong libingan, Martinez! Huwag mong ibato sa akin o sa magkapatid na Miguel at Sofia!" "Ilan ba ang buhay mo, Cameron? Inside and out of Spain, I did everything just to eliminate you. Pero hanggang ngayon ay buhay na buhay ka pa rin!" "Hah! Natural! Dahil hindi ang tulad mo ang magpapabagsak sa mundo. Ah, let me rephrase it for you. Buhay pa ako dahil hindi pa kita naihahatid sa impeyerno! Kung saan naroon ang boss mong si Lucifer!" "Dreamer! You will never succeed in your plan! Ano'ng akala mo sa akin, simpleng nilalang? Kahit maipakulong mo ako ngayon ay walang saysay. Alam mo ba kung bakit? Dahil langgam ka lang kumpara sa grupong kinabibilangan ko. Ibig sabihin ay hindi lang ako ang bumuo!" "Well, wala akong pakialam, Martinez. Kahit hindi ko man kayo ma

