"IMPOSSIBLE! That's totally nonsense, Judge!" malakas na saad ni Santiago. Aba'y paanong hindi siya mapapasigaw samantalang isinalubong nito ang balitang mayroon daw nagdemanda sa kaniya ng kasong pang-aabuso. Hindi lang iyon, may anak daw siyang inabanduna. "As I am, Attorney Cameron. You are already here during the last few years of your mother as a lawyer up to the present. Kaya't masasabi kong kilala na kita. Ngunit bukod sa physical evidence ay mayroon ding certificate mula sa medico legal. Now, explain to me everything. Imbes na ang promotion mo ang aking sasabihin ay hindi na!" Mula sa malumanay na pananalita ay naging mabalasik ang judge o ang big boss ni Santiago. "Kung talagang kilala mo ako ay mauunawaan mo ang aking kalagayan, Sir. Maaring akusado ako sa kasalukuyan ngunit

