"DALAWANG linggo na ang nakalipas simula nakauwi tayo mula sa hospital, Santino ko. Baka naman maari ko ng malaman kung ano iyong nasimulan mo dati o iyong sinabi mong suhestiyon." Pukaw ni Sofia sa asawa. Nanganak siya pero hindi imbalido. Maaring tatlong babies ang kaniyang isinilang ngunit kayang-kaya niya ang kumilos. Kaya nga iginaya niya ang asawa sa balkonahe ng kanilang silid. Mga tulog manok pa naman ang triplets. "Naalala mo pa pala iyon, Mi amore. Well, total tinanong mo ay sasabihin ko rin. Lima na ang mga anak natin. At naipon sa ating mag-asawa ang mga lalaki. Dahil ang mga kapatid ko ay both boys and girls---" Kaso hindi natapos ni Santiago ang nais sabihin dahil ang mahal niyang asawa ang tumapos. "Kailan ka pa matatapos sa suhestiyon mo kung marami kang pasikot-sikot,

