"AUNTIE, kung sinisi mo ang iyong sarili sa nangyari ay kalimutan mo na po. Dahil kung mayroon man pong dapat ituro o dahilan ng pagka-ospital ng asawa ko ay ang mga lintik na walang magawa sa buhay." Baling ni Santiago sa asawa ng abuelong si Lewis Roy. Ngunit dahil nasanay sila sa Uncle ay Auntie na rin ang tawag nila sa asawa nito. "Tama naman si Santiago, hipag. Kaya't palayain mo na ang iyong sarili sa guilt na iyan. Ang mahalaga ngayon ay buhay na buhay si Sofia." Pagsang-ayon pa ng abuelo o ang ama ng mahal niyang Daddy. Kaso umiling-iling ito. Hindi lang iyon panaka-naka itong napapatingin sa emergency room kung saan naroon ang taong kanilang pinag-uusapan. "Ako ang bumuo sa plano, Kuya Garrette, at Santiago. Ang tanging ginawa ninyo ay ang sumang-ayon. Tama, nakakulong na ang

