LUMIPAS pa ang mga taon! "Po? Ano'ng problema at pinatawag kaming mag-asawa sa school ng mga bata?" maang na tanong ni Santiago sa ina. "Heh! Aba'y ano'ng akala mo sa akin propeta upang malaman in advance ang dahilan ng paaralan?! Tsk! Tsk! Kung hindi lamg kayong mag-asawa ang hinahanap ay ako na mismo ang nagtungo roon!" Sa pagtanong niya sa ina ay singhal ang napala. Ngunit wala iyon sa kaniya. Dahil simula't sapol ay ganoon na ang ugali mayroon ito. Mga bata pa silang magkakapatid ay nasaksihan na nila ang paraan nito sa kanilang lahat. Even their beloved father is not an exemption. Kaso! "Oo nga naman, Santino ko. Bakit mo itinatanong kay Mommy kung ano ang rason. Dapat sa mga bata dahil sila ang nag-aaral. Sina Mommy at Daddy ay kapwa ko pagala-gala sa mga family members natin."

