"WHAT?! Hanggang ngayon ay wala pa ang anak at manugang natin? Aba'y ano'ng oras na?" Dahil sa pagkagulat ay napalakas ang boses ni Ginoong Enrico. Aba'y paanong hindi siya mapapasigaw samantalang halos half-day na ang nakalipas simula ng nagtungo ang mag-asawang Sofia at Santiago sa police headquarters. Wala ng higit na nakakakilala sa mga anak nilang mag-asawa kundi sila. Maaring naging babaero ang ikatlo nilang supling. Ngunit hindi abusado. At isa pa ay matagal na ring wala silang nabalitaan tungkol sa pambababae nito. Lalong-lalo na isang taon bago nagbalik ng Espanya ang kabiyak nito. "Maari bang huwag kang sumigaw, Espanyol ka? Tsk! Tsk! Oras na magwala ang mga apo natin ay ikaw ang may kasalanan." Irap tuloy sa kaniya ng asawa. "Iyon na nga, asawa ko. Hindi ka ba nakakahalata? S

