"LOOK at her, brother. Parang wala na siyang buhay. Humihinga siya pero wala sa kundisyon. Kung hindi ko nga lang kilala ay aakalain ko na isa siyang adult na pinagkaitan ng tadhana," wika ni Miguel sa bayaw to be niya. Kaso talaga namang naunsiyami na. "Kung dadalhin ba natin siya sa lugar na maari niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan bilang dragon heir, tuluyan na ba siyang gagaling?" bagkus ay balik-tanong nito. "Oo, brother. Ngunit ayon sa mga magulang mo ay baka hindi rin appropriate ang mansion namin. Dahil bukod sa doon siya lumaki at nagkaisip ay marami rin siyang bad memories doon. Nag-aalala sila na baka imbes na gumalijg ito ay baka raw lumala," sagot niya. SAMANTALANG sa sagot ng kaibigan ay napatahimik si Santiago. Tama naman kasi ito. Sa katunayan ay naunahan lang siy

