" James alam mo naba si Abby ngayon ang dating niya para sa bakasyon niya ,gusto ko kasi niyang pumunta dito sa mansion para kausapin ka niya" sabi ni ma'am Marj
"Yeah I know janeth said to me yesterday morning" sir James ngunit nakatuon lang siya sa pagkain
"ah ganon ba anak nga pala kamusta company mo" ma'am Marj
"Very well no more hassle I have many investor and even without me in my office still running because I have many trusted workers beside i have friends to visit my company as soon to check them " sir James
"That's great my son your the best young billionaire, mga katulad mo rin ang iyong kaibigan na magagaling sa mga kanilang business" Sir John
"Thanks dad oh by the way after Abby visit here ,2 weeks akong wala dito sa condo ko muna ako tutuloy, bye mom and dad I need to go I have urgent meeting today" Sir James at tumayo na siya sa at umalis na
Mukhang nalungkot ako sa sinabi niyang 2weeks siyang di ko makikita may sarili rin nga pala siyang condo katulad nang kaibigan niyang mga bilyonaryo
ano bang nangyayari sakin hindi porket may nangyari samin eh may pake na siya sa akin malabo ng mangyari ang sa amin
" Manang tapos na po ako sa pool maglinis ano po ba ang gagawin pa"turan ko kay manang
"ah hija salamat naman tapos kana ,tamang tama lang ang dating ni Abby at sir James mukhang sa pool sila magpapahanda ng hapunan " manang ,dumating na pala si ma'am Abby sabagay naging mag ka relasyon naman sila noon pa
"ah ganon po ba manang ,sige tutulong lang ako sa kusina ,tawagin niyo nalang ako pag may iuutos po kayo" paalam ko napadaan naman ako sa living room nakita ko sila sir James na nagtatawanan sweet pala sila sabagay naging bugnutin lang si sir James kasi nang iwanan siya nito
Napatingin ako sa gawi nila nag salubong naman ang mga mata namin sir umiwas na ako pakiramdam ko dinudurog ang aking dibdib ,bagay naman sila ni ma'am Abby bukod sa mayaman ito maganda at sexy rin kaya di malalayong magkabalikan sila
"Jane ano ba ang gagawin dito sa kusina tutulong na lang ako para matapos na kayo" turan ko ngumiti nalang ako para maiwasan ko ang kakaibang kirot sa
sa nakita ko kanina
"aye ah ito malapit na kami matapos hiniwa na namin ang iba pang sangkap ,tulungan muna lang kami sa paghahatid ng hapunan sa pool doon saw sila mag didinner sabi ni manang" jane
"ah okay sige alin ba dito ang ihahatid doon sa pool area naayos na kasi ni manang ang hapag doon" turan ko
"ayan mga ulam tapos na yan unahin mo na ihatid doon ,paluto na rin itong huling niluluto ni manang binantayan lang namin nila mila ito" Jane
"okay sige una ako dito nalang ako dadaan sa likod ng kusina para hindi na ako iikot " sabi ko at hinatid na ang ulam
Habang naglalakad ako ay napansin ko naman sila sir James ang sweet nilang naguusap lumipat na pala sila dito sa sofa sa may pool umikot nga ako para makaiwas ano ba yan andito naman sila kainis tsee
"Miss can you bring me a cup of water here after you drop food there " utos ni Abby
"okay po ma'am wait lang kukuha na po ako ng water sa kitchen" sabi ko napatingin naman ako kay sir James na walang emosyon na makikita sakanya pumasok na ako sa kitchen at kumuha ng tubig
"inday ano ang ganda ni ma'am Abby nohh " anji nasa kusina pa kasi sila at nagaayos na rin ng dadalhin sa pool
"Oo nga eh parehas naman sila ng katuyuan sa buhay diba" pilit na. ngiti ang binigay ko ayaw ko naman nilang makita ako ng may pagka bitter kahit kakaiba na ang aking nararamdaman pag nagkikita ko si sir james
"Oh siya tara na sabay sabay na tayo mag hatid doon"yaya ni jane
" Sige tara na "turan ko
Naglakad na kami sa likod ng kitchen door para hindi na kami iikot pa doon parin kami dumaan sa dinaanan ko kanina
" Ma'am Abby ito na po ang water niyo"Turan ko ngumiti naman siya sakin ng marinig niya ako
"Okay thanks by the your a new maid here" sabi niya pang nakangiti ,ngumiti naman ako ng pilit sakanila
"ayy opo maam 1 week na mahigit po"sabi ko ,kahit alam kong nakatingin si sir James sakin dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na tingnan niya ako
" Sige po ma'am aalis na po ako"paalam ko di ko na pinasalita si ma'am Abby hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman kong atmospera sa amin
"Ah aye pwede kana magpahinga kami nalang dito nila mila maglilinis saglit lang naman to kasi tatlo naman kami" Jane
"okay lang ba " pagsisigurado ko
"oo naman mauna kana magpahinga" nakangiting sabi niya
"Sige salamat jane sainyo rin sige uuna ako" paalam ko dali dali ako pumasok sa kwarto at nilock ko ito
kumuha na ako ng susuotin ko para dina ako lalabas T-shirt lang at short na malambot ang sinusuot ko pag matutulog
Pagkapasok ko sa banyo at binuksan ang shower pag bagsak nang tubig sa aking katawan damang dama ko ang lamig ng tubig sa aking katawan siya namang
bagsakan ng luha ko ,bakit ba ako nakakaradam ng ganto bakit dahil ba may nangyari sa amin 'ano ba self cheer up wag kang assuming wala siyang gusto sayo tawag lang ng laman ang nangyari sa inyo tandaan mo Hindi ikaw ang klase nang babaeng pwede niyang maghalin 'sumbat ko sa sarili ko
Mas mabuti na pala ang umiwas ako lalo lang ako masasaktan kong iisipin ko na may meaning ang nangyari samin ,bakit ba ayaw tumigil ng luha ko ano ba tumigil kana hindi siya ang taong pwede mong mahalin playboy siya kumbaga kahit kanino siya nakikipagkemehan busett talaga grrrr'
Lumabas na ako sa banyo pagkatapos kung maglinis ng katawan humiga ako sa kama hayy nakakarelax ang mailapat ang katawan ,nakatingin ako sa kesame iniisip kolang kung katulad din sana ako ni ma'am Abby mamahalin kaya ako niya ,hindi kasi masasama kalang sa iba niyang naging ka fling isipin mo yan hah ayesha' Unti unti ko naman bumibigat ang talulap ko
dahil sa pagod ko siguro.sa mag hapon na trabaho
Kinabukasan nagising ako sa mahihinang katok sa aking pinto kaya bumangon ako para buksan ito
"Hija nadistorbo ba kita " manang
"Di naman po manang bakit po" turan ko
"magpapasama sana ako sayo sa pamamalengke kasi sila ma'am Marj ay aalis mag out of the country mga 2months sila doon kaya tayo ang maiiwan dito sa ang mga kasama mo ,pinapalengke na siya ako ngayon para pag alis nila wala nang abala sa lahat na kailangan" manang
"wala pong problema manang maliligo lang po ako " turan ko
"okay sige antayin na lang kita sa labas isasama ko din si jane at sila mila tapos anji ang maglilinis wala naman masyadong gagawin dito"manang
Tumalikod na si manang saka ko Sinara ang pinto dumiretso na ako sa banyo para makaligo na
panibagong araw naman ngayon kaya naisip kong mas maganda Alisin ko ang negative vibes ko ngayon
Kasalukuyan kaming nakasakay sa van kasama ko si manang jane at kuya bong na driver papunta na kami sa mall para mamili ng grocery sa mansion
" aye bakit parang matamlay ka ngayon ano problema"jane nagulat naman ako sakanya may napansin pala siya sa kilos ko
"hah wala naman Bakit mo naman naisip yan jane" turan ko nakangiti naman ako di oras sakanya
"Sus ayaw mo pa sabihin kahit naman meron ,nga pala girl kaloka ka grabe pala makatingin sayo kagabi kung napansin mo lang baka maglupasay kana sa kakiligan yun kasi ang napapansin namin nila mila kay sir nitong nakaraan nahuhuli namin siya nakamasid sayo" jane grabe talaga tong babae na to ,sabagay ako man napansin ko lagi nga nakatingin sakin si sir James.
"Naku wala yun baka naman may iuutos lang. kaya ganon makatingin"turan ko
" luka malay mo may gusto sayo si sir wala naman imposible sa pusong mamon"jane/nakangising niyang sabi
"tse pusong mamon ka dyan baka pusong bato" inis kong turan
"alam mo naman gwapo si sir at yummy pa ,kaso nga lang playboy hahhha" jane napangiti naman ako ng mapait sa sinabi niya
"kaya nga malabo mangyari yun dayy hah ,kasi alam mo palang playboy kaya wala nang bago doon" Turan ko
"Mga hija mabait naman yan si sir James Di naman dati ganyan si sir James nagsimula lang naman ang lahat sa paghihiwalay nila ni Abby" singit ni manang
"Hay nako manang basta okay na sa pangit wag lang playboy sakit sa bangs hahha" Jane
"Kaya ikaw aye wag kang pauto sa ganyang lalaki hanap lang niyan sarap " dagdag pa niya
Nasamid naman ako sa sinabi niya tinaman ata ko ng loka na to busett
"Opo nanay haha" Biro ko
Nakarating na kami sa mall ,habang papasok kami hinatak naman ako ni jane
"Aye samahan mo ako sa restroom bilis ,manang mauna na kayo sa pag grocery pasama lang ako kay aye" sabi ni jane
"Oh siya sige andito naman si bong ,bilisan niyo lang at madami itong listahan at ilan pa " manang
Dali dali naman kami sa pagpunta sa cr nakaramdam din ako ng pag ihi pumasok na kami sa cubicle ,nangingig naman ako umihi at naghugas na ako para walang Amoy ang pempem ko,pag labas ko dipa tapos si jane kaya hinantay ko na lang siya labas
"Aye tara na baka nagaantay na si manang" sabi niya tumango nalang ako
"aye nakikita mo ba yun si sir at ma'am Abby yun diba tingnan hanggang dito ang sweet nila diba " nakita ko naman tinuro niya ngumiti na lang pilit at tumango
Nauna ako maglakad nakita naman namin sila manang at lumapit ako
"oh hija andito na pala kayo heto ang listahan ng binilihin na iba kumuha na lang kayo ng cart doon magkita nalang tayo sa cashier" manang
"okay po manang mauna na po kame" turan ko
Sinunod naman namin si manang medyo madami talaga ang pinamili namin,Pumila na kami sa cashier nang makita na namin sila manang, Naghintay nalang kami ni jane sa waiting area sa mall,Habang nagaantay kami meron akong narinig na bulungan sa katabi namin
Sis nakita mo ba kanina si James David gosh ang hot
kaya nga sis alam mo ba kasama niya si miss Abby
Oo nga bagay talaga sila noh tuloy na siguro ang kasal
Hayy nako sis basta ako makita ko ang ibang hot friends niya goshhhh
Ilan yan sa mga narinig ko sa kanila kanina ,Wala na ako sa mood nang bumalik kami sa mansion ngayon ,
Andito ako sa likod ng mansion sa garden nagpapahinga sa kubo
"hoy aye okay kalang ba kanina ko pa napapansin na matamlay ka at tulala " andito na. pala si jane katabi ko diko man lang napansin
"Wala naman may iniisip lang ako" turan ko pero di siya kotento sa sinabi ko
ko
"kailangan ko pa bang manghula para umamin ka" jane, tiningnan ko sya na magtataka
"huh?di kita maintindihan*" Turan ko
"aye alam ko nagka ganyan kalang naman kanina nung Nakita natin si sir at narinig ang usapan kanina duon sa mall" wala ako masabi dito ang galing bumasa ng emosyon
"Oo na " turan ko
"diba kaya alam ko na ang itsura mo pag malungkot ka o hindi " jane
"hindi ko alam jane kung ano nangyayari sakin nung Nakita ko si sir james nung nasa mall tayo aaminin ko
nasasaktan ako nung Nakita ko si sir james pero ano ba karapatan ko wala nan kami saka napalayo ng agwat namin kumbaga langit sa lupa ako ,napakatanga ko kasi naniwala ako sa mabolaklakin niya sinabi sakin at napaka tanga ko kasi humantong ako na naibigay ko na ang sarili ko kan--yaa napaka tan--ngaa ko jane huhuhu" hagolgul ko sakanya niyakap nalang niya ako
"hindi ko akalain na ayan na pala ang dina dala mo aye nasasaktan ako kasi wala naman ako magawa mapasaya kita tataggan mo lang aye" pagdamay niya
"wag ka mag alala jane kaya ko to makakalimot din ako kasi wala naman kami relasyon diba" turan ko medyo gumaan narin ang nararamdaman ko ngayon
buti nalang nailabas ko na ito
"sige na aye magpahinga kana medyo maputla kana pati baka kailangan mo lang magpahinga" sabi niya
"okay sige jane salamat sayo hah nailabas ko ang sama ng loob ko" turan ko
"ano kaba kaibigan kita kaya ayos lang aye" sabi niya
Sabay na kami pumasok sa loob ng mansion dumiretso na ako sa kwarto ko medyo hindi maganda pakiramdam ko nitong nakaraan siguro ang pagod lang siguro
DALAWANG buwan na rin diko nakikita si sir james dito sa mansion at sila ma'am Marj ay di pa bumabalik kase may business daw na nilalakad pa sila ,sa dalawang buwan kong naririto sa mansion
may kakaiba akong nararamdaman kaya hindi ko pinapaalam kahit kanina man dito sa mansion
Kasalukuyan akong nadidilig ngayon ng halaman at kasama ko dito si jane at anji si mila kasi sinama ni manang sa palengke para mamili ng stock dito sa mansion na mga karne
"Aye ayos ka lang ba mukhang maputla ka saka nung nakaraan pa kita napapansin na parang kakaiba ang kilos mo lagi ka rin nagsusuka at nahihilo pacheck up ka kaya sa doctor samahan kita bukas tutal dayoff naman natin" Jane
"ano kaba ayos lang ako Kaya ko naman sarili ko Saka baka dala lang to nang pagod " turan ko
pero kakaiba na talaga nararamdaman ko ngayon
"Hoy aye wag mo nga kame pinagloloko sinong tao ang ayos nang ganyan itsura maputla " Jane
"Oo nga ayesha aba baka mapano kana nyan hayaan mo bukas punta tayo sa doctor hindi nalang natin sasabihin kay manang na doon tayo pupunta para macheck up ka at malaman natin ang nararamdaman mo" Anji
"Oo na sige makulit naman kayo eh" turan ko
"Nga pala aye kasama mo ba mag dayoff kaibigan mo diba katulong din siya ni sir VJ" jane hayy nako k. talaga basta chika
"hindi nagchat na siya sakin sa sss dahil marami daw inuutos amo niya sakanya " turan ko nung nakaraan pa kasi si mandy pinahihirapan ng amo niya
"ah ganon ba sige kami nalang nito ni anji at mila isama mo para makapag bonding tayo diba" Jane
Maaga akong nagising dahil may usapan kami nila jane na mag day off si manang nalang ang matitira dito sa mansion ,Dahil lahat kami aalis ngayon ko lang din sila makaka bonding simula kasi nung nag dadayoff ako lagi ko kasama si mandy ,ngayon kasi di
siya makakasama gawa nang pinahihirapan siya ni sir VJ diko alam kung ano meron sa dalawang yun
bahala sila trip nila yun charr saka noon ko pa na fefeel na may hiwaga sa dalawang yun diko lang pinapansin
Natapos na ako maligo at lumabas ng kwarto ko nakita ko naman sila sa kusina nag aalmusal na kasi aalis nga kami ,Di alam ni manang ang plano kung magpacheck up kami lang nila jane ang may alam kasi ayaw ko muna mag isip kung bakit ba ako lagi nakakaramdam nang hill
"Oh aye tara kain kana para makapag bonding na tayo mamaya" jane
"mga hija maaga rin kayo bumalik alam niyo naman ako lang nandito ang matitira Ewan ko ba sa inyo at sabay sabay pa kayo " Singit ni manang, nagkatinginan naman kami nila jane ,di kasi namin. sinabi kay manang di sa walang tiwala ayaw ko muna magsalita sa kondisyon ko
"opo manang " sabay sabay namin na salita
Natapos na namin ang kumain napag desisyonan naming sa hospital muna bago pumunta sa mall
"aye sasamahan kita sa loob para dika kabahan charr " jane tumango lang ako
"Ms Rivera ayon sa finding ko sa condition mo normal naman ang nararamdaman mo about your pregnancy so reresitahan nalang kita sa nang vitamins mo para sa baby mo" nashock ako sa sinabi ni doktora 'what ako buntis 'di ako nakareact sa sinabi niya
"Hoooohh buntis si aye doc" gulat na sabi ni jane pati sila mila nakatulala rin
"Yes she's 2months pregnant and why you didn't know about your pregnancy ms rivera " sabi ni doc
"opo doc pasensya na po nashock lang ako" turan ko hanggang ngayon di parin ako makapaniwala
"Okay for condition I have many encounter people like you and then be careful your doing everyday dont stress yourself " doc
"okay doc salamat po" turan ko
Niresitahan na ako ni doc ng mga gamot at napaka rami kung iinumin ,diko inaasahan magbubunga ang isang gabing may nangyari samin
Nagtungo na kami sa mall balak kasi nila jane na mamili ng damit nila para man lang daw may bago silang mga damit pag aalis sila,nang nakapasok kami sa mall napansin namin maraming tao sa bandang restaurant ng mall ,naisip kung Baka may sikat naman kakain doon kaya may mga media at tao doon
"ay grabe pala talaga pag sikat noh pinagkaka guluhan ng mga tao noh " anji
"sinabi mo pa" mila
"nga pala ayesha kamusta ang pakiramdam mo ,may balak ka bang ipaalam kay sir james na nabuntis ka niya" anji
"oo nga aye siya lang naman ang nakauna sayo at alam ko pag lumaki yang anak mo siguro ang ganda ng lagi yan HAHA" jane napangiti nalang ako ,para mawala ang bagabag sa loob ko diko kasi kaya sabihin lalo't wala naman kaming relasyon at saka ayaw ko isipin na ginagamit ko ang bata sakanya para mapalapit sakanya
"Hindi ko alam jane Alam niyo naman na pagkaka mali yung nangyari samin kaya siguro hindi na rin umuuwi si sir james sa mansion gawa sa nangyari sa amin" turan ko nalungkot ako na iisipin na baka ayaw sakin ni sir james lalo hindi kami mag katulad saka baka isipin niyang pera lang habol ko kaya sinabi ko na may anak kami
"ayesha wala naman sigurong mawawala kung susubukan mo sabihin sakanya malay mo may pagtingin pala si sir sayo or panagutan kana lang" mila
"Hoy mila wag mo nga inistress si ayesha sakanya kung talagang may gusto si sir dapat pinanindigan niya ang nangyari sakanila ,saka alam mo namang babaero si sir jusme, katulad ngayon tingnan mo sila pala yun ohhh" anji ,Napatingin kami sa gawing tinuturo ni anji, sumama naman ang timpla ko sa Nakita ko at naiinis ako sa nararamdaman ko na Bakit ako nakakaramdam nito masakit na nga sa mata masakit pa sa puso parang pinipisil
"Hoy ayesha sorry kung may nagsabi akong hindi maganda" mila ngiti lang binigay ko
"aye ayos ka lang ba ,hindi mo dapat iniiyakan ang ganyang tao na sasaktan ka lang" jane ,napaiyak na pala ako na diko man lang nararamdaman
"ayo-os lang ako tara akyat tayo sa taas baka may magandang tanawin doon sa taas kesa dito HAHA" dinaan kona lang sa Biro para di makasama sa baby ko
"ay bet ko yan ayesha " anji
"tara bili muna tayo doon sa food stand mukhang masarap ang pagkain doon" mila
"Ikaw talaga mila kahit kailan pagkain lang nasa utak mo di ka naman nataba HAHA" jane
"hoy jane wag ako ,maganda nato kesa tumaba ako baka dina ako makahanap ng jowabels saka nagugutom na ako noh alangan naman pigilan ko bituka ko nagwawala na alaga ko" mila
"Hayyyst nako tara na nga gutom na rin ako baka gutom na si baby kahit anak ko na lang meron ako" sabi ko
"yan ang gusto ko sayo aye matatag ka sige arat na" jane
Nagtungo na kami sa food stand dito sa mall masasarap talaga pagkain dito kasi lagi kami nakain nila Mandy at luke sa food stand sa mall speaking of luke bakit pala hindi ko naisip itxt siya nitong nakaraan wala man lang paradam sakin siguro busy ang loko
Nang makatapos kami sa pagkain umakyat kami sa para mag arcade ang saya pala talaga kasi ngayon lang ako sumubok na maglaro nito dahil pinilit ako nila jane para daw makalimot ako sa lungkot