"Miss Zenaida?"
"Present ma'am."
"Miss Santos?"
"Present."
Ito na nag huling taon ko ng kolehiyo at sa wakas ay makakabalik nako sa probisya..
"Miss buenavista? miss buenavista?" gulantang akong marinig ang apelido ko halos lahat sila ay nakatingin sakin..
"What's your problem iha? I've been called you more than twice but your attention still not here?"
"I'm sorry ma'am i'm just thinking."
"thinking what? Tungkol sa kung paano naghihirap ang mga magulang mo?" nagtaas ako ng paningin sa kanya. Nandito ako ngayon sa Manila nag aaral at alam na alam ng mga tao ang pagbagsak ng hacienda de buenavista
Nasa social media ito at ang iba naman ay nasa dyaryo.
Hindi ko nalang ito pinansin kahit na parang pinandidirian ako ng lahat..
Natural lamang ito dahil nasa paaralan ako ng mga studyanteng walang ibang ginawa kundi ang magpakasaya..
They're using money to have a good grades. Hindi sila patas kung lumaro at kaya nilang bilhin ang lahat ng gusto nila.
After the discussions napagdesisyunan kong pumunta muna sa isang malapit na karindirya dahil wala pa naman akong klase...
Yes, mag isa lamang akong pumasok at lumabas ng skwelahan.dahil simula ng nabalitaan ang pagbagsak ng kompanya namin ay nilayuan nako ng mga taong tinuring kong kaybigan. Hindi nako nagpumilit na lumapit sa kanila dahil hindi ganon ang kaybigan.. Hindi nasusukat ng kahit na ano ang pag pagkakaybigan. Wala yun sa pera.
"ate binagoongan po isang order saka isang order po ng kanin.." sambit ko kay ate lusing..
Siya ang may ari ng karinderyang kinakainan ko malapit sa school.
"oh sheya nandito kana pala, umupo kana dito at baka maunahan kapa" sambit ni ate lusing kaya tumawa ako at ngumiti.
"oho nga po e ate lusing kita ko nga hong andaming customer ngayon." luminga linga ako dahil puro pareho ang mga suot nila.. Hindi ko pa sila nakikitang kumakain dito siguro ay ngayon lang.
"ah oo sheya, mga dayo lamang yang mga yan.. Kakabukas lang kasi ng pabrika jan sa pangalawang kanto mabuti ngat dito sila kumain sa karindirya ko.." aniya at ngumiti..
"ahh paniguradong araw araw nayang mga yan dito ate lusing, sana'y hindi ako maubusan ng pagkain sa mga susunod, hahah" tugon ko..
Inilagay kona ang mga binili ko sa lamesa atsaka kumuha ng cobra sa ref.
"sheya, hindi ba't naghahanap ka ng raket?" tanong nya sakin kaya tumango ako.
"oho ate lusing, kaylangan konga ho ng raket." tugon ko.
"oh ano pang hinihintay mo? Mababait ang mga Calleja bakit hindi mo subukang mag apply?" aniya..
Calleja? Yun ba ang apelido nila? Kung mag aapply ba ako sa kompanya nila ay matatanggap ako? Puro lalaki ang mga nakikita ko dito..
Wala naman siguro sa kasarian ang pag tatrabaho siguro ay matatanggap ako kahit na janitress lamang o tagalinis.
"salamat sa ideya ate lusing, susubukan kong mag apply sa kanila sa weekends." tumango sya sakin kaya kumain na ako..
Sa panahon ngayon trabaho ang kaylangan ko, kaylangan kong tulungan ang mga magulang kong mabayaran ang utang ng lolo namin..
Ayaw na ayaw nila akong makikitang nagtatrabaho dahil ako lamang ang nag iisang babae sa buenavista pero hindi namann pwedeng hayaan kong makita ang paghina ng angkan namin..
Hindi kakayanin ng mga mata ko ang makitang namomoblema na sila sa pera.
Nasa probinsya sila sa palawan kung saan naandon ang mga ari arian ng pamilya namin.
Ang hacienda, hotel at resorts ay pinangangalagaan ng kapatid ko..
Kahit na gustong gusto nya kong makasama dito sa maynila ay nagpumilit akong wag nalang.. Idiniin ko sa kanya na kaylangang pangalagaan ang mga natitirang ari arian kaya wala na itong nagawa.
Nang matapos ako sa pagkain ay agad akong nagpaalam kay ate lusing at nagsimula na ulit bumalik sa paaralan.
"balita ko ay walang wala kana sheya." rinig kong sambit ni chesca.
"wala akong panahon sayo chesca kaya pwede ba lumayo layo ka." ani ko sa kanya at hinawi ang kamay nyang nasa dadaanan ko.
"bumaba lang ang antas ng pamumuhay nyo ay tila bumaba rin ang tingin ko sayo." rinig ko pang sambit nya ng tuluyan ang lumiko sa hallway para makapasok sa susunod kong subject..
Kinuha ko ang ABM dahil gusto kong tumulong sa pamilya namin..
They want me to become a flight attendant, pero ayoko.. Malaki ang perang magagasta kung yun ang kukunin ko..
Linggo linggo ay pinapadalhan ako ng 20k ni kuya at bawat pagpapadala ni kuya dito ay inihuhulog ko sa credit card ko, hindi ako kumuha doon dahil may pera naman ako..
Ang alam nila ay wala akong kaalam alam sa nangyayare sa pamilya namin kaya gasta sila ng gasta pagdating sakin..
Nagpapart time ako, isa ako janitness sa isang sikat na aliwan malapit sa school maganda ang trabaho ko doon at sapat ang sweldo ko para sa apartment na tinitirahan ko..
4years nakong hindi umuuwi ng probisya dahil pinagtutuunan ko ang pag aaral ko dito.
***
Natapos ang buong araw kong klase ng normal lamang ang araw ko, may mga nag bubulungan tungkol sapamilya ko at kahit na ano pa..
Nang naglalakad ako palabas ng skwelahan ay may naaninag ako di kalayuan sa isang kanto.
Madadaanan koto papunta sa apartment, tssk.
Sabagay madilim nga naman.
"sa dami rami ng pwedeng nyong pag rausan ay bakit sa kalsada pa." malamig kong tugon dahilan ng pagtigil nila..
Nakita kong tumingin sila sakin pero daredaretso lang ako sa paglalakad..
Wala akong balak na lingunin sila magparaos sila hangga't kaya nila hindi kona trabahong manuod..
Nang makarating ako sa apartment ay binagsak ko saglit ang katawan ko sa kama pero dirin iyon nagtagal dahil kaylangan kopang magtrabaho..
Kumain muna ko ng ilang saglit at agad nading umalis sa apartment.
"oh nandito kana pala sheya mabuti naman dahil may ipapagawa ako sayoo."sambit ni melvin sakin.. Siya ang manager ng bar nato...
"may tatlo tayong special guest, nandon sila sa taas wala kasi si Shaine e kaya sheya pleasee ientertain mo sila." sambit ni mevin na agad ng kumausap sa ibang guest.
Hindi ko naman masisisi dahil ang ibang nandito ay mga kilalang pamilya hindi ako pwedeng sumingit sa mga usapan nila, wala ako sa posisyon pero isa lamang akong janitress kaya bakit ko naman sila ieentertain.
Nagulat akong hinila ni carl isa din sa bakla dito kaybigan nadin ang turing ko sa kanya..
Dinala niya ko sa backstage at mabilis na inayusan..
Pinagsuot nya ko ng maikling tank at maikling short. Mygladd..hindi koto trabaho pero kung wala si shaine sino ang mag eentertain paano ang business nila melvin? No, tutulungan mo sya Sai ... Do your best..
Tumingin ako sa salamin, maayos ang itsura ko pero hindi ako sanay ng may ganto sa mukha..
'maganda pala ako.' bulong ko atskaa ngumiti.
Naglakad nako kasama si carl.
"mabuti nalang at maganda ka talaga at ang postura mo para kang modelo.. Ang lakad mo ay kakaiba, perfect."
Hinila nako ni carl at naglakad ng papunta sa taas.
*****