Nena POV
"🎵Si Nena ay dalaga na...dalaga na si Nena,anong sinabi niya oh ah oh ah ah🎵" yan ang palaging kinakanta ng mga kalaro ko sa tuwing natatalo ako sa larong chinese garter,kaya naiinis talaga ako lalo na at sobrang lakas pa ng kanta,Nagagalit kasi si Mama pag naglalaro ako ng chinese garter halos lahat ng mga tambay kasi sa aming lugar nagtitipon-tipon pinapanuod ang bawat galaw ko.
"ayun oh umaalog alog talaga ang dibdib hooo nakakapanghina" dinig ko ang mga tambay sa unahan inaantabayanan ang bawat lukso ko.
"Nena! Nena!"
"hala si Mama tawag na ako,sa susunod na lang ulit Maricel" sambit ko sa aking mga batang kasamahan,ako kasi ang pinakamagaling sa paglukso kaya marami ang gusto na kakampi nila ako,
"Nena!" si Mama nagsisigaw na naman.
"O ayan na Ma papauwi na nga!" pagmamaktol ko.
"Nena hindi ka na ba maglalaro?" saad ng kapitbahay naming manyakis napaka yellow pa naman ng ngipin
"ayoko na!" sabay irap ko sa mga tambay sa amin.
"sayang naman ganda pa naman sana ng view" si Densoy ang pinakapangit/ bungal sa grupo ng mga tambay dito sa aming lugar kung makatingin daig pa ang namamanyak .
"laro ka pa bukas Nena pinapainit mo palagi ang araw namin wehehehe" sa inis ko kumuha ako ng bato at itinapon sa kanila sabay takbo pauwi.
Ayan na si Mama nakapamewang na sa labas ng bahay sigurado kukurutin na naman ako nito sa singit
"Ikaw talaga Nena kaaaa"
"aray..aray Ma ang singit ko'" daing ko at tenga ko na naman ang kanyang kinurot.
"kailan ka pa ba magtatanda ha Nena! disi otso ka na pero bakit isip bata ka pa rin ha!" bulyaw ni Mama.
Sa edad na disi otso,dalagang dalaga na ang aking postura,umaalog alog na dibdib maliit na bewang at malaman na balakang,yan ang description sa akin ng mga kakilala ko,bansag sa akin dito sa San Lazaro ay Kim Domingo dahil sa taglay kong ganda,sa physical na anyo nasa akin na ang lahat pero ang laman ng aking utak...mapapaiyak na lang talaga ako,sapagkat disi otso na nga ako pero batang isip akong naturingan,premature daw ako mula ng ipinanganak ni Mama at masaklap pa ipinanganak ako na leap year Pebrero 29 ang aking kaarawan,kaya siguro lumaki akong kulang kulang.
Kulang ng taon,kulang din sa buwan pagkapanganak at kulang din sa dilig hahaha
Mas gusto ko maglaro ng patintero,takyan,tagu taguan at ang pinakapaborito ko ay chinese garter! ang taas kasi ng lukso ko kaya marami ang gusto na kakampi ako,tiyak siguradong panalo lagi kami
Kapag umalis si Mama lihim akong naglalaro ng batang papel kasama ng mga pinsan ko sa side ni Mama,paborito ko kasi ang mag disenyo ng ibat ibang kulay ng mga damit kaya ang aking mga pinsan ay pinag aagawan ako para lang magpagawa ng damit na papel.
Matagal ng hiwalay sina Mama at Papa,sumama ito sa kumare daw nila na ninang ko,ang sabi ni Mama palagi daw noon sa bahay ang aking ninang yun pala ginagapang na si Papa,at nahuli nga ito ni Mama sa akto na nag jugjugan,hinabol ni mama ng itak ang dalawa ayun napatakbo daw ang aking ninang ng walang panty! yey buti nga sa kanya.Wala na rin kaming balita kung saan na sila ngayon nakatira,minsan na mi miss ko si Papa,ngunit sadyang matigas si Mama di niya daw ito kayang patawarin,naawa din naman ako sa kanya kahit anong sideline ang pinagbibinta mabuhay lang kaming dalawa,kaya minsan kapag nagtitinda si Maricel ng gulay sumasama ako para may pambaon din ako minsan.
"Nena lutang ka na naman,dios mio!pagkatapos mo dyan maghugas gawin mo na yung takdang aralin mo ha" paalala niya palagi sa akin.
"Mamayang gabi ko na lang gawin Ma" nakanguso kong saad habang naghuhugas ng pinggan.
"Ayan ka na naman sa ugali mong yan!paano ka tatalino kung puro ka mamaya!" parang dragon talaga to si Mama araw-araw na lang akong binubugahan ng apoy.
"Tiyang andyan ba si Ate Nena?"pagkarinig ko sa boses ni Marivic ang aking pinsan mabilis ko agad siyang pinuntahan.
"Oy Nena bakit mo iniwan yang hugasan mo?"
"Ma sandali lang puntahan ko muna si Marivic" paalam ko kay Mama,nagpagawa kasi siya sa akin ng maraming damit sa aming manikang de papel kaya hinatiran niya ako ng burger at fries.
"Ate Nena heto oh favorite mo binilhan kita ng burger at fries salamat sa mga laruang damit Ate ha,sa susunod ulit." saad ni Marivic
"naku! nag abala,ka pa salamat Marivic ha,ano bukas laro tayo chinese garter?" pang eengganyo ko sa aking pinsan.
"sige Nena basta ha ka grupo tayo" saad ng pinsan ko,pinag aagawan talaga nila ako dahil sa aking galing sa paglukso,aalis kasi si Mama bukas at wala rin kaming pasok bukas dahil may general meeting ang lahat ng mg guro kaya magagawa ko lahat ng gusto kong laro yeheeyy!
Kinabukasan maaga akong naglinis ng bahay,mamayang gabi na lang ako maglalaba mahina kasi ang tubig dito samin tuwing umaga.
"Nena ang bahay ha,ihahatid ko lang 'tong order na pabango sa kabilang baranggay,uuwi agad ako" tugon ni Mama bago umalis.
"opo Ma manonood lang po ako ng Netflix" pagsisinungaling ko pero ang totoo excited na akong maglaro ng chinese garter.
Pag alis ni Mama,agad kong sinuot ang aking leggings mas makakapaglukso ako ng maigi kapag walang sagabal.
"Nena..Nena..halika na ikaw na lang ang hinihintay namin" tawag ng aking mga kalaro sa chinese garter.
"sunod na ako bihis lang ako" kumuha ako ng pantali sa buhok sa ibabaw ng aking cabinet,ayoko kasing nakalugay ito sagabal pa naman sa tuwing lumulukso ako.
"ayan maayos na" sambit ko sa sarili habang inaayos ang aking buhok,paglabas ko bumungad agad ang mukha ni Densoy.
"oy Nena ano laro ka na" inirapan ko lang siya sabay takbo papunta sa mga kaibigan kong naghihintay.
"Nena mauna tayo" wika ni Isay
"kapag mananalo tayo ililibre ko kayo maya ng isaw at buko juice sa night Market!"pangako ni Isay sa grupo namin.
"ayan na naman ang mga tambay oh ikaw na naman pinanuod Nena..hala si Densoy tulo laway na hahaha" tawang saad ni Maricel
"hayaan mo lang yan sila Maricel ang mahalaga mananalo tayo ngayon manglilibre daw si Isay pag nanalo tayo" tuwang tuwa ang aming grupo ng sabihin ni Isay na libre niya kami sa night Market mamaya
"galingan mo Nena ha nakasalalay sa paglukso mo ang panalo natin" cheer up ng aking mga kasamahan.
"okey girls its our turn hahaha ingles yun ha" tawa ko habang naghahanda na sa aking paglukso
"go! Nena go!" nagpakawala muna ako ng hininga bago ako lumukso
"ready..set.. go!"
"Nena!!" paglukso ko ang siyang pagsigaw naman ni Mama kaya na out balance tuloy ako at humalagpak sa lupa ang aking balakang dahilan upang mapasigaw ako sa sakit.
"araaayyyy ko po!" sigaw ko kaya ang aking mga kasamahan ay dinaluhan agad ako.
"Hala si Nena napilay yata"
"Nena okey ka lang?"
"Nena saan ang masakit"
"Nena,makakatayo ka pa ba?" pikit mata akong napangiwi sa sakit napilay yata ako,mas nahintakutan pa ako nang makita ko si Mama na parating sa aming kinaroroonan.
"anong nangyari dyan ha Marivic?!" galit na sigaw ni Mama
"uhm Tiyang si Nena bumagsak po paglukso niya" takot na sambit ni Marivic kay Mama
"yan na nga ba sinasabi ko!ang tanda tanda mo na Nena naglalaro ka pa!"hasik ni Mama kaya mas lalo tuloy akong naiyak,napilayan na nga ako,sandamakmak pa ang natanggap kong bulyaw mula kay Mama.
"Mama naman napilayan na nga ako dito huhuhu" hikbi ko pati mga tambay nagkagulo na rin.
"ilang beses ko ng sinabi sayo na tigilan mo na ang paglalaro!ang tigas kasi ng ulo mo!" kung makabulyaw si Mama sa akin halos buong kalye namin mapapalingon talaga,kaya yuko na lang ako hawak ang aking balakang,tatayo na sana ako pero napaimpit ako sa sakit sa may bandang singit.
"Nena hwag ka munang tumayo at baka may nabali sa buto mo" pag aalala ni Marivic.
"hwag ka ng Magalit Aling Tekla naiyak na nga yang si Nena pagagalitan mo pa" may awa din pala itong si Densoy kahit manyakis ang mukha.
"tumabi nga kayo dyan harang-harang kayo!" pati mga kalaro ko pinagalitan din ni Mama
"Marivic alalayan mo ako kay Nena dali!"
"ako na lang po Aling tekla"boluntaryo ni Densoy.
"tumahimik ka dyan Densoy!kunin mo na lang yung trycycle mo bilis!" asik ni Mama kay Densoy.
"bakit Ma saan mo ako dadalhin?ayoko sa hospital takot ako sa karayom ng dextrose" pagmamaktol ko
"takot ka sa karayom pero hindi ka natatakot sa paglukso lukso mo! tingnan mo nangyari sayo!"
"eh saan nga tayo pupunta?"nakanguso kong saad na nagpupunas ng luha
"doon kina Manong Alberto!ipahilot kita doon!"