Rex POV Nagising ako sa hilik ni David tang ina! kung makahilik ang gago parang kinatay na baka sa sobrang lakas,ang sarap pa sana ng aking tulog,masyado din itong malikot kung matulog,hindi lang sa hilik niya ako nagising,kundi sa amoy ng paa niya na nasa mukha ko na. "ang baho ng paa ng hinayupak na 'to!" gigil kong sambit nakatingin lang sa nakangangang si David,ang sarap pa ng tulog ng animal ni hindi man lang nagpunas ng paa,may mga buhangin pa talagang dumikit at pagtingin ko piste! nakatapak yata ang gago ng tae ng aso! "hoy David!gising!hinayupak ka,sarap pa ng tulog mo ni hindi ka man lng nagpunas ng paa mo!"bulyaw ko sa kanya,nagsasalita pa talaga ito habang tulog. "ahm uhm bro ahm" sarap talaga salpakan ng papel ang bunganga nito,imbes gusto ko pang matulog ulit at namnamin

