Rex POV Pagdating namin sa San Lazaro dumaan pa kami sa talipapa at bibili pa daw ito ng pangregalo niya sa gagawin nilang party. "bakit dito ka bibili?" tanong ko sa kanya. "konti lang pera ko nuh,tsaka 400 minimum lang ang budget sa gift Manong,tapos yung nabunot ko ang wishlist niya ay t-shirt na kulay itim na may markang skull daw sa likod parang punk style daw ganern" tumaas ang sulok ng kanyang labi na napangiwi sabay kamot sa ulo nalilito yata sa style ng damit "bigyan mo na lang sabon,at bimpo tapos ilagay mo sa karton ng katol yung lion tiger katol na karton" pagbibiro ko,sa kapanahunan namin yun lang naman ang regalo ah,ewan ko ba ngayon nauuso na yang wish list na yan dagdag gastos pa ang arte pa man din ng mga kabataan ngayon,yung gusto talaga nila masusunod di tulad nung

