LEIGH ADDISON Sumasakit na ang ulo ko kay FLYNN walang araw na hindi niya ako sinusundan pati ba naman dito sa pilipinas hindi niya ako tinitigilan nakakapagtaka lang dahil nalalaman niya ang bawat schedule ko. Kaya umuwi ako ng pilipinas dahil binili ko kasi ang company ni MR. YOON na papalubog na kaya nandito ako para bigyan din ng instruction ang mga empleyado kasama ko din si JANELLA na umuwi mabuti na lang hindi sila nagkikita ni FLYNN. "Leigh" napaangat ang tingin ko sa kanya hindi mo mapigilan simangutan siya "Ilang beses ko na bang sinabi sayo miss marchesi na hindi ako si LEIGH" naiiritang sabi ko sa kanya hindi ko alam na nakapasok na pala siya dito sa loob ng opisina. Mukhang papalitan ko ang guard pati ang secretary ko dahil nakapasok si FLYNN sa loob ng opisina

