LEIGH ADDISON "Hija" nagaalalang lumapit sa akin si manang beth inalalayan niya akong makaupo nagpapasalamat ako dahil nasa loob ng bahay si FLYNN hindi niya nasaksihan kung paano ako matumba. "Mabuti pa at magpahinga kana sa kwarto mo, anong gusto mong kainin?" ang kanyang mukhang nagaalala padin tinapik ko ang kamay niya "Okay lang ako manang, pupuntahan pa namin ang falls ni flynn gusto kong makita niya ito" sagot ko rito "Ahhh" daing ko dahil naninikip na naman ang dibdib ko napapakagat ako sa labi para indahin ang sakit. "Hija.. jusko tatawagin ko na ang doctor sa bayan.. teka lang" akmang tatayo sana siya pero pinigilan ko to hindi pwedeng malaman ni flynn ang tungkol sa sakit ko. "Ipapahinga ko lang saglit to manang beth" sabi ko alam niyang wala din siyang magagawa kaya

