Chapter Four

1544 Words
LEIGH ADDISON/CULLEN   "Cullen" sigaw ni mommy nakapameywang pa si daddy naman napapailing lang  "Why mommy? Yung boses mo abot na sa kapitbahay" sabi ko sa kanya lumapit siya sa akin at pinunasan ang mukha at likod ko. "Alam mo naman may asthma ka paano kung atakehin ka ha tama na ang paglalaro ng basketball" aniya at tumingin kay daddy "Ikaw nagturo dito sa anak mo alam mo naman na sakitin to" naiinis na sabi ni mommy sa kanya.   "Iba na ang katawan ni le- cullen oh tignan mo hindi na siya masyadong hinihingal kailangan niya yan" depensa ni dad kaya lang naman ako napapayag dahil pinangako ni dad na sa MALDIVES ako mag b-birthday.   "Naku sinasabi ko sayo rene pag inatake ng asthma tong anak natin ikaw mananagot sa akin" pagbabanta ni mommy.   Iniwan ko na sila na nagbabangayan pa din pupunta ako sa sasakyan ko dahil naiwan ko ang jacket ko doon nang may narinig akong naghaharutan sa labas ng gate.   "Pwede mo naman akong i-text kung namimiss mo ako honeybunch" rinig kong sabi ng isa sa kasambahay na si sena."Gusto kitang makita honeybunch sobrang namiss kita agad" sagot ng lalaki para naman naiihi na ewan tong babae.   "Nakakakikilig ka naman honeybunch pero salamat sa dala mong pagkain alam mo talaga ang paborito ko" kinikilig nitong sagot habang pinaglalaruan ang daliri. "Umalis kana peping ang sakit niyo sa mata" singit ni inday at pilit pinagtatabuyan ang guard ng subdivision pingilan ko lang na wag matawa sa kanila.   "Ang bitter mo inday palibhasa wala kang boyfriend" angil ni sena sa kanya.   "Sus hindi ko kailangan mag boyfriend, PAGKAIN lang sapat na sa akin... diyan na nga kayo tseee" ganting sagot sa kanya at tinalikuran siya napaka bitter talaga nitong si inday.   "Problema nun laging may TOYO" sabi ng boyfriend ni sena.   "Kulang lang sa DILIG alam mo na hindi na kasi nadidiligan kaya ganyan" natatawang sagot ni sena sa boyfriend niya.       KINABUKASAN   Maaga akong pumasok pero wala akong naabutan na FLYNN sa opisina madalas naman na nauuna siya sa akin o sa amin na employee niya nakakapagtaka naman ata na wala pa siya.   Bumili muna ako nang breakfast ko dahil kanina pa tumutunog ang tiyan ko hindi ko na kasi nahintay na matapos magluto ang chef namin. "Oh cullen ang aga mo ah" si Tito Gasper na pasakay ng elevator sinenyasan akong sumabay sa kanya nagtataka naman ang kapwa ko empleyado sa akin dahil bakit iba ang treatment sa akin ni tito gasper.   "Kumusta sila ? Meyo matagal na kaming hindi nagkakausap" sagot niya at ako na ang pumindot papunta sa COO office kung saan siya nagt-trabaho samantalang si flynn naman CEO ang katungkulan sobrang nagmana din sa kanya ng talino kaya naman madaming humahanga.   "Okay lang naman po sila ganun pa din busy sa pagaasikaso ng negosyo" sagot ko tumango tango naman siya "Tito gasper nasaan po si FLYNN? Nakakapagtaka lang wala pa siya sa opisina" hindi ko mapigilan tanungin dahil sa sobrang saya ko kung hindi papasok ang bruhilda na yon na walang ibang ginawa kundi pahirapan ako sa trabaho.   Ngumisi siya "Bakit namimiss mo na ang anak ko?" tanong niya gusto kong sumuka sa sinabi niya kahit pa ilan taon kaming hindi magkita. Sasagot na sana ako nang bigla siyang nagsalita "Pwede ba makisuyo sayo? pakikuha naman ang proposal ni flynn sa bahay dahil kailangan ko yun i analyse" aniya napalunok naman ako nakakahiya naman tumanggi dahil una boss ko siya at business partner ni daddy kaya malaki ang respeto ko sa kanya at napakabait nitong tao ewan ko lang kung saan nagmana si flynn.   "Sure tito" kahit sa loob loob ko BAKIT AKO? marami naman diyang iba. Kailangan ko ata magdalas papunta sa mansion nila baka hindi ako makalabas ng buhay agad naman akong pumunta sa parking lot doon naghihintay ang driver ni tito gasper para ihatid ako kay flynn kilala ko ito si kuya Mace tuwing dumadalaw kasi si tito gasper sa mansion siya ang driver nito pero sympre kilala niya ako noong si leigh pa ako nameet ko siya bilang  cullen noong pumunta sila sa mansion.   "Kuya mace" tawag ko sa kanya sumaludo naman ito na may ngiti sa labi "kumusta kuya mace?" tanong ko sa kanya "ito ayos lang nanganak na misis ko noong nakaraan buwan lalaki ito" nakangiting sagot niya aba limang taon din sila naghintay bago biyayaan ng anak. "Mabuti naman kuya tagal niyo na hinihintay yan" sagot ko naman hanggang sa biyahe panay ang kwentuhan namin ang sabi niya pa hindi niya alam may kakambal pala si leigh.  "Andito na tayo"hayag nito at inihinto na ang sasakyan.   "Goodluck" bulong nito dahil alam niya kung gaano nakakatakot si flynn.     MARCHESI MANSION   "Si flynn po?" tanong ko sa maid nila nakatitig lang siya sa akin habang may hawak na vacuum. "Ate si flynn?" tanong ko ulit kinaway kaway ko pa ang kamay ko sa harapan niya doon naman siya natauhan. "Ano sabi mo?" ganito ba dito mga tulala ang kasambahay nila.   "Si flynn? Inutusan kasi ako ni tito gasper na kunin ang proposal sa kanya" sabi ko. "Nasa room niya, wait lang ha tawagin ko lang si señorita" aniya at nagmadaling umakyat sa hagdan umupo lang ako sa couch.   Ilang sandali pa bumaba na ang maid kaso walang flynn na kasama "Ayaw niya lumabas" saad niya sinasagad na talaga niya ang pasensya ko. Inis na tumayo ako "ako na lang ang kakausap sa kanya" sabi ko at umakyat na alam ko ang kwarto niya dahil ilang beses na ako nakarating sa dito sa mansion nila tito gasper. Inis na binuksan ko ang pintuan "Hoy Fly- uh oh" napahinto ako ng makita kong nagbibihis siya naka bra and panties lang siya.   Nanigas siya sa kinatatayuan at bakas din sa mukha niya ang pagkagulat.   "Ahh!! p*****t ka talaga" galit bulyaw niya hinagis niya sa akin ang vase mabuti nalang mabilis ang reflexes ko bakit kasi hindi siya nagpasabi sa kasambahay na magbibihis siya nakakainis sobrang malas ko talaga.   Umiwas naman ako "Teka wala naman ganyanan, bakit wala naman masama kung naka bra at panties ka lang ah par-" napahinto ako ng maalala ko na LALAKI nga pala ako ngayon. "Walang masama ha? Naririnig mo ba pinagsasabi mo palibasa puro kamanyakan yang nasa utak mo" sigaw niya at hinagis sa akin ang lamp niya umiwas naman ako.   "Hindi ka ba tinuruan na kumatok muna bago pumasok ha" gigil na singhal niya habang ang talim ng tingin niya sa akin. "Hindi, tulog ako nung tinuro yun" pangiinis ko sa kanya.   Akmang ihahagis niya ang hawak niya "Wag kang umiwas subukan mo lang hindi ka makakaalis sa mansion na to ng buhay" pagbabanta niya. "Pero masakit yan" turo ko sa hawak niyang vase "Tska wala naman ako makikita diyan eh pader na pader" sabi ko lumapit siya sa akin na umuusok ang ilong.   "Pader pala ha" aniya at mukhang ipupokpok ata niya ang hawak niya sa akin nang biglang... Nadulas siya paharap sa akin kaya naman pati ako natumba "Ouch" daing ko dahil lumapat ang likod ko sa sahig.   "'Ma'am anong nangyayari dito?" tanong ng kasambahay niya napatuptop ng bibig "Ang wild mo pala ma'am" bulalas niya dahil nakapatong si flynn sa akin mabilis na tumayo siya "It's not what you think arggh get out of my room" singhal niya sa maid niya at nagmadaling lumabas ng kwarto.   Masama ang tingin na pinupukol niya sa akin "ikaw, kasalanan mo to" singhal niya napaatras ako ng makaramdam ako ng kaba na parang may hindi siya gagawing maganda "Aray" sigaw ko nang tapakan niya ang pinakaiingatan ko ang junjun ko mapapaiyak ako sa sakit ang bruha na to balak pa atang mabaog ako.   "Subukan mo pang ulitin ang ginawa mo hindi lang yan ang aabutin mo talagang puputulin ko yang kaligayahan mo" pagbabanta niya at lumayo sa akin nakahinga naman ako ng maluwag pero namimilipit pa din sa sakit ang junjun ko. "Yung proposal" nahihirapang sabi ko at napapangiwi bakit kasi may hotdog pa ako pwede namang tahong nalang.   "Ano?" galit na talaga siya "Yung proposal pinapakuha ng daddy mo sa akin" sabi ko at dahan dahan tumayo "Iniwan ko sa desk niya kahapon. Get out" aniya napanganga naman ako gusto kong sabunutan ang sarili ko nasa desk naman pala ni tito gasper ughhh plinano niya to.   Lumabas ako ng kwarto niya na paika ika ang lakad amazona talaga ang babaeng yan nakakatakot maging girlfriend baka pag nagloko ka hindi lang sampal ang abutin mo sa kanya baka magkita na kayo ni kamatayan.   Nakatingin naman sa akin ang mga kasambahay niya ngumiti lang ako sa kanila pero naririnig ko naman ang mga bulungan nila.   Mga chismosa talaga! "Tama nga ang kinuwento mo sa amin tignan mo paika ika maglakad si sir" "Sabi ko naman sayo eh ang wild kaya ni ma'am siya pa ang nakapatong kay sir at mukhang galit dahil ayaw ata pagbigyan" "Kung ganyan naman ka HOT eh aaraw arawin mo na kahit parehas pa mamaga ang ari niyo" "Napalakas ata mangabayo ni ma'am"   Mga bastos talaga ang mga bibig ng mga to dapat pinapalaklak ng HOLY WATER.   "HOY kayong tatlo baka ayaw niyo ng magtrabaho puro na lang tsimisan ang inaatupag niyo kung sisantehin ko kaya kayo?" Sigaw ni flynn sa kanila nagmadali naman silang umalis at ginawa ang kani kanilang trabaho pinagmasdan ko lang si flynn maglakad pababa.   She's hot, but she's one crazy brat kaya hindi ko masisi si tito gasper kung magbigay ng bodyguard sa kanya. She is the epitome of beauty.   Bigla akong nakaramdam na parang may nagwawala sa pants ko.   Oh no!! Junjun behave hindi ka pa magaling!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD