Karma Tumambay lamang ako buong sembreak sa bahay. Wala akong ganang lumabas, wala ring ganang gumala. Tinitingnan ko lang ang bintana kung paano nag-iiba ang kulay ng langit hanggang sa unti-unti nang kinakain ng dilim ang paligid. Pwede ko namang bisitahin doon si Isaiah pero natatakot akong magpakita sa kanya. Mommy even advice me to do it at kahit si Daddy ay pumayag noong gabing kinausap nila ako tungkol sa kanya. "Siya ba 'yong..." ani Mommy, hindi agad nadudugtungan ang sasabihin. Dahan dahang bumuhos ang aking mga luha. Kaonting banggit lang sa kanya ay ganoon agad ako ka sensitibo at naiiyak na. Pinalis ko iyon at humalukipkip muli sa sofa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Bumuntong ng hininga si Daddy. Si Mommy naman ay namungay na ang mga mata. "Mabilis lang naman ang si

