Luha Tulala na lamang ako sa mga sumunod na subjects. What should I do?! I want to talk to him. Gusto kong mag-explain na wala lang naman iyon. Kinagat ko ang aking labi at nagtipa ng mensahe sa kanya habang pauwi na ako sa bahay, sa aking tabi naman sa likod sa SUV ay si Kuya na tahimik na nakasuot ng earphone. Ako: It's not what you think. Ilang sigundo ay wala paring reply hindi kagaya noon na pag nagtext ako ay mabilis agad na susunod ang kanyang reply. Nagtipa akong muli. Ako: Kumain lang kami! Nothing happened! Halos dumugo na ang aking labi sa lakas ng aking kagat. Gosh! Sigurado akong dededmahin ako noon! Kung hindi ko siya susuyuin sa personal, mas mahihirapan akong paamuhin siya sa text text lang dahil alam ko talagang wala akong mapapala sa bagay na iyon. Alam kong mag

