Ignorante Sa mga sumunod na araw ay naging busy na kami sa kakapractice for our performance in P.E. Palaging nauubos ang tubig sa aking bottled water dahil sa walang sawang practice lalo na't parte rin iyon ng exam namin. Bawat steps muna ang inaral namin saka namin iyon isinabay sa kanta na Earned it by The Weekend. It's really a sexy dance so we need a sexy song on it. "Grabe kayo. Para na kayong nang-aakit sa sayaw niyo," ani Elle pagkatapos naming magbreak muna. "Kaya nga sexy dahil nakakaakit," sabi ko at binuksan ang aking bottled water. "Eh ako, Zera? How's my dance?" Uminom muna ako habang inaalala kung paano siya sumayaw. It's hiphop at hindi bagay sa kanya na nakapaarte ng galaw at pinipilit ang kanyang katawan na tigasan nalang. "Okay lang. Para kang nanghahamon ng away

