Selos Noong mga bandang 9pm na ay nagkakayayaan na sila Ken na pumunta na sa 3DBar at hayaan nalang ang matatanda na tapusin ang party. "Saan sila pupunta?" tanong ni Elle nang mapansing hinahakot na ni Ken ang iilan naming mga pinsan at gusto nang umalis. He's probably excited since he's just going to flirt! "Magba-bar," sagot ko at nilingon ang banda ni Mommy na nakikipag-usap kina Tita Shy. "Huh? Sasama ka ba? Kung sasama ka sasama rin ako," aniya. Sasama ako of course. Naroon si Trey kaya kahit hindi naman kami nag-uusap ng matagal ay gusto ko paring sumama. Nakita ko na si Ken na si Kuya na ang sinisenyasan na umalis na sila. Tumayo narin ako at lumapit kay Kuya habang si Elle ay sumunod narin sa akin lalo na't naroon rin ang kanyang mga kapatid, katabi ni Kuya na nakapameywang

