NAALIMPUNGATAN nang gising si Claudette. Antok na antok pa siya kaya naman malalim ang tulog niya pero bigla ay nagising ang diwa niya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ni hindi niya nga magawang imulat ang kanyang mga mata dahil sa sobrang antok kaya pinakiramdaman niya lang ang tunog. Base sa posisyon kung saan niya narinig ang tunog ay galing iyon sa banyo sa loob ng kwarto. At dahil sa antok pa talaga siya ay hindi na niya binigyang pansin pa kung sino ang gumawa ng tunog na iyon at kung saan na ang tungo nito at muling sinubukang bumalik sa dreamland. Kaya naman hindi siya sigurado kung talaga bang may humalik sa kanyang noo at labi at nagsabi na bumawi pa siya ng tulog. Na gigisingin na lang siya kapag lunch na. Naalala pa nga niyang umungot siya bilang sagot pero hindi naman niy

