TAHIMIK na magkatabing naglakad sina Raphael at Claudette. Kahit pa nga napag-iiwanan na sila ng mga magulang ni Raphael na bitbit din ang kanilang anak ay hindi nagpatinag ang dalawa at talagang pinanatili ang mabagal nilang paglalakad na animo’y namamasyal sa park. Hindi man sila magkahawak kamay na naglalakad pero maya’t maya naman ang pagbubundulan nang kanilang mga balikat dahil sa napakalapit na distansya nilang dalawa habang naglalakad. Diretso lang ang tingin ni Raphael sa dinaraanan samantalang si Claudette ay naglalakad na lumulutang ang isipan. Kung hindi lang siguro dahil sa pasimpleng pag-akay ni Raphael sa kanya sa tuwing halos bumangga na siya ay baka darating si Claudette sa upuan nilang bugb*g-sarado. Pinagagalitan kasi ni Claudette ang sarili sa isip kaya naman bakante

