TINITIGAN ni Claudette ang lalaking nakasakay sa isang puting kabayo. Sa postura nito ay hindi masasabing nasa pitumpong taong gulang na siya. Sa suot nitong pang-equestrian ay mapagkakamalang nasa edad trenta pa lang ang lalaki dahil hindi maipagkakaila na maganda ang pangangatawan nito noong kabataan. Maging ang pagkakaupo nito sa may kabagalan kung tumakbo na puting kabayo ay malayong-malayo sa tunay nitong edad. “That’s the old man,” bulong ni Raphael mula sa likod ni Claudette. Tahimik na napatango naman si Claudette at binawi na ang tingin mula sa matanda. Hindi na rin siya nagtaka sa sinabing iyon ni Raphael. Maliban kasi sa puting kabayo at lalaking sakay nito ay wala nang iba pang nangangabayo silang naabutan doon. Ayon nga sa butler ay ang taong maaabutan nilang naghihintay sa

